Blog

Natalo Ng 4 Million

Yung mga newbies sa trading ay sobrang curious. They always want to know kung ano ang meron.

“Green ang market today, ano kaya meron?”

“Red ang market, ano kaya meron?”

“Umangat si LR. ano kaya meron?”

Lahat ng galaw sa market ay dapat may paliwanag. If alam mo ang reason why ay kikita ka. Yan kadalasan ang approach ng newbies sa trading.

One plus one equals 2 lagi.

“May bagong project plus mataas ang income. Surebol aangat ito.”

Yung stock trading ay nagiging patalinuhan at paunahan sa information.

Well, let me share with you something na baka sakaling magbago ng pananaw mo.

Newton was one of the early investors in South Sea Company, which was founded in 1711 to trade with Spanish America. He booked profits and pocketed a gain of about £20,000 which was a huge money during his time.

After niya magbenta ay natuwa siya. He felt happy. He felt proud.

Yung feeling na yun ay di nagtagal kasi yung stock na binenta niya ay tuloy pa rin ang pag akyat.

Hindi siya nakatiis at bumili siya but this time ay nilakihan niya ang taya niya. Unlike dun sa nangyare nung unang nag invest siya ay bumagsak ang stock right after niya makabili.

Para mas detailed at maintindihan mo ay heto ang youtube video about it.

It is said na halos 4 Million Dollars in todays money ang nawala or nasunog kay Newton.

Most traders blame it sa FOMO, hype at emotion.

Nagkafear of missing out si Newton kaya bumili siya ulit. Nahype din kasi sumikat ang stock na yun.

Kinain daw si Newton ng greed.

I think may valid point yung ganun na thinking but Newton was not an ordinary person.

He was wealthy and very very smart.

Laman nga ng mga book natin si Newton all throughout elementary and high school diba?

Hindi rin pwede na lack of information kasi he had access to data and info during his time na wala ang iba.

Alam mo bakit nagyare kay Newton yun?

Its how stock market is structured.

It does not reward your information or yung taas ng IQ mo.

What do I mean?

Unlike yung mga quiz bee or mga exams na kapag matalino ka at alam mo ang sagot ay mananalo ka or magkakaaward, yung stock market ay hindi structured na ganun.

No amount of information or skill can drive the price.

Buying and selling lang ang nagdadrive sa price.

Sa likod ng buying at selling na yun ay may iba’t ibang reasons.

May mga logical reasons at meron din wala.

Lahat sila pinagsama-sama to come up with what we call “market” kaya walang nakakapredict ng market.

Let me give you one example.

Yung MAH na stock walang project, earnings or news pero nagceceiling.

How do you explain that logically?

Yung MEG at MPI ay may sobrang solid na mga negosyo, earnings at project behind their stock pero below 5 pesos while yung BMM (Bogo-Medellin Milling Company Inc.) na walang maraming project, earnings at nasuspend pa nga dahil hindi nakapagsubmit this year ng earnings report ay nasa 70 pesos plus.

If patalinuhan ang trading sa math at finances edi lahat ng CPA ay billionaire traders na by now.

If paunahan sa news naman edi lahat ng journalist or kamag anak nila ay billionare traders na ngayon.

Market has no single factor or single reason ng pag move.

Kahit pa sabihin mo na sobrang panget ng isang stock. Walang earnings, walang negosyo at walang future. Biglang may mga traders na may pera na nagustuhan ang stock dahil hugis pagong na cute ang logo ng company at bigla silang bumili to overwhelm the sellers ay aakyat yung stock price nun.

That is oversimplification pero yan ang truth.

Walang logic sa market dahil may iba’t ibang players na may iba’t ibang reason ng pagbili or pagbenta.

Anyone na nagtatry magpredict saan pupunta ang stock dahil lang they feel na knowledgeable sila about finances ng company or ng sector are lying.

Lahat ng alam nila ay opinion lang. Si market ang nasusunod at walang nakakapredict for 100 percent certainty sa galaw nito.

If ganu, ano ang pwede mong gawin if you are a trader?

Well, since hindi napipredict ang market ay dapat may trading strategy ka na nakabased sa galaw ng price.

Galaw ng price ng not sa reason bakit gumalaw ang price. Know the difference.

Your trading startegy must revolve around the movement of price dahil executed order na yan at anuman ang reason ng nagexecute ng order sa pagbili or pagbenta ay irrelevant na once naexecute na ang order.

Basic idea ito sa trading strategy at approach sa trading.

This October 8 ay may gagawin kaming trading course na I suggest itry mo.

Applicable ito ke forex man, crypto or stocks ang tinitrade mo.

We will teach you an excellent trading strategy plus yung tamang approach sa trading.

The course is called The Berzerk Strategy RERUN.

It might help your trades.

It helped others. 

You deserve to at least give it a try.

Heto ang result sa trades ng mga umattend noon.

Heto ang mga experience ng previous course attendees ng MASTERCLASS SCALPING and DAY TRADING.

Heto ang comment nila after ng course.

One Comment

  • Robert Almario

    Madami nang nalugi sa mga hype hype na yan. Kasama na ako dun. Pero ngayong TDS ako, NEVER nang nang nangyari sakin yan.

    Stick ako sa strategy. FOMO FOMO?! Hype Hype?! FOMO at Hype nila mukha nila. Kapag TDS ka, di ka maf-FOMO o dika mah-hype.

    Sure na wala kang NAIPORT o Naipit na Port. Hahaha

    Note: 30 Days ban po ako sa facebook kaya dito lang ako nakakapag comment. hahaha

Leave a Reply