Newbie Rules: Bili Ka Ng Stock Sa Piso At Hintayin Umangat Ang Price Sa 10 Pesos!
Look at Jollibee. Noong 1993 ay 9 pesos lang yan. Ngayon 200 pesos plus na.
Tama ba o mali ang statement na yan?
Tama! Nag IPO ang JFC sa 9 pesos way back 1993.
Fact ang statement na yan.
Market does not move like that though. Yan ang maling akala ng karamihan especially those new ones sa stock market.
Ang presyo ng stock which is called market price ay nadedetermine based sa buying at selling or trading activity at hindi sa value ng isang company.
Kahit pa sa tingin mo ay dapat 10 pesos ang stock A kung walang willing buyer na bumili sa ganun na price ay di yun mangyayare.
Kahit pa 1 peso ang tingin mo dapat na price ng stock B kung may mga willing buyer na bumili sa 10 pesos ay yun ang magiging price ng stock B.
Hindi ito opinion. Fact ito. Ganito ang stock market. Kaya nga bid at ask ang nakalagay sa quotes screen at hindi buy and sell kasi you bid sa prices. Walang fixed na price. Ang buy at sell ng traders, brokers, investors, etc. ang gumagawa ng price.
Di mo pwede iforce idea mo sa market.
Di mo pwede ipilit ang gusto mo na price.
Di ka pwede magdemand na dapat kikita ka.
Most newbies think na may control sila sa market.
They just need to find that “stock” na mula piso ay aangat papuntang 10 pesos.
Kapag nakita nila yung stock na yun ay solve na ang problema nila.
Solved na ang retirement. May pambili na ng bahay, sasakyan at may pang tour around the world.
If ganyan ang approach mo sa market ay magspend ka ng napakahabang time sa paghahanap ng “stock” na yun and you will probably end up getting broke trying to find that one stock na magbabago ng buhay mo gaya ng JFC noon.
Most ng time ay mag eend up ka sa mga stocks na gaya nito.
If newbie ka, di mo kailangan tumalon agad sa trading. Di mo kailangan iwan agad lahat ng nakamulatan mo na ideas.
Start with small changes.
Simulan mo sa concept ng price. Intindihin mo maigi paano nadedetermine ang price ng isang stock.
Dahil ba sa fundamentals? Dahil ba sa TA? Dahil ba sa news?
Paano ginagawa ang price? May isang tao ba na nagdidikta nito? Dalawang tao ba? Grupo ng tao?
Mula piso ay paano umaakyat ang price sa 1.1 pesos?
Sino nagpapaakyat? Paano umaakyat?
The moment na nagsimula ka sa mga small steps at small questions gaya niyan ay magbabago ang pananaw mo sa stock market.
Those changes will lead you to a better journey in becoming a good trader or investor.