One Important Lesson Para Sa Mga Traders!
Malapit na ang GHOST MONTH!
Di pa masyadong pinag-uusapan but soon enough yan na ang topic ng mga traders.
Syempre sasalubungin natin ang GHOST MONTH with a BANG but bago yun ay may lesson muna ako na ituturo or at least ireremind sa inyo if you have been around sa trading for a while.
Here it goes….
NANINIWALA BA KAYO SA MULTO?
Some naniniwala while yung iba naman hindi. Okey lang yun pero I guarantee you na pagkatapos ninyo basahin ang blog na ito ay maniniwala na kayo. 100% guaranteed.
E SET UP NATIN ANG MOOD
Bago ko simulan ang kwento eh set up muna natin ang mood.
Una, patayin mo yung ilaw.
Next, itabi ang ibang gadget.
Huminga ng malalim.
ONCE UPON A TIME...
Nagsimula ang lahat noong January 18, 2019 mga 9:13 ng umaga. Sa di inaasahan pangyayare ay naglabas ng disclosure ang PHA. Humingi sila ng voluntary trading suspension.
Ang mga kumpanya ay humihingi ng voluntary suspension kapag may ibabalita sila ke maganda man o masama basta sure sila na makakaapekto sa price at kailangan ng mga tao na ma-absorb or ma-internalize ang ibabalita nila.
Nagkaroon nga MOA or memorandum of agreement ang PHA sa isang company na me pangalang Sama Global na mag iinvest ang Sama Global ng 15 Billion pesos sa PHA.
Maraming natuwa. Maraming na excite.
Nilahad ni PHA kung saan niya gagamitin ang pera na makukuha nito.
Umangat si PHA. Maraming traders bumili. Maraming Fundamentalists nagkwenta agad ng future price ni PHA. Maraming Technician nagplot ng multiple breakout scenarios.
Gap Up
Mula 0.4 umabot 1.7+
Sabi pa nga ng ilan na bobo na lang daw ang di bibili ng PHA. Sure na sure na eh. Dagdag mo pa yung mga updates ni Pha na inaassure ang public.
Easy money yo!
BUT SUDDENLY...
“kani kanina lang… pagkasaya saya”
“oh ky bilis ng iyong pagdating…pagbalis mo’y sadyang ky bilis din”
“Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo?”
Biglang di na mahagilap si Sama Global. Takbuhan ngayon mga traders. Paunahan sa pagbenta. Iyakan sa social media. Murahan. Bangayan. Away away.
Yung mga nagsabi na surebol ang PHA di na mahagilap. May natalo ng 1 Million pesos may natalo ng 500,000 pesos.
Mula 1.7 pesos bumagsak until 0.4. Ngayon nasa 0.29 na lang si PHA. Maraming naipit sa tuktok na di makalabas.
ANG TANONG
Paano ito nangyare? Paanong napayagan na magkaroon ng MOA at biglang nawala? Di ba ito harap harapan na panloloko? Paano nakalusot ang ganito? So, kahit sino lang pala pwede gumawa MOA at hintayin magreact ang news sa stocks. Bibili ka sa baba. Maglalabas MOA. Aangat. Magbenta ka 300% from the price na binilhan mo. Sabihing di na matuloy ang MOA dahil di na macontact partner mo. Mag apologize. Kakalma ang issue paglipas ng panahon. Ulitin mo na naman ulit kapag marami na nakalimot.
And to think na hindi ito yung unang beses may ganito sa PHA at sa iba pang stocks. I think pinaka famous dito was BW. Same style din na may good news or may investor na bigtime na dadating. Tapos yung ending wala naman pala. Pero some made a lot of money sa ganung process. Same din sa resorts kuno ni Cal noon. Same style iba iba lang ng stock.
Kaya yung mga umaasa na fair ang stock market magigising kayo sa katotohan as you experience more. Yung mga umaasa sa news yan lagi ang biktima. Ewan ko if naaalala nyo pa ang NOW na nagsabi sila 4th Telco tapos kinabukasan binawe.
I know hindi ninyo pa magagamit ang lesson na ito sa ngayon but keep it in your back pocket kasi magagamit ninyo yan soon. Whenever may nakita ka na mga MOU at MOA na naman from Philippines to other countries. Uso kasi yan everytime may bagong President. Whenever may nakita ka na balita na may pinaplanong project ang isang stock. Unless it comes true ay always take a grain of salt kahit pa sa mismong news mo nakuha ang information kase hindi lang once or twice or three times nangyare ang mga kagaya ng nangyare kay PHA. Yung kinaiba lang ay yung mga naipit sa pangyayare na yun or yung mga nakawitness ng pangyayare na yun ay wala na ngayon sa trading. Si PXP dati grabe din yan. Andami din news na sisimulan na ang drilling at joint venture ang Pinas at ang China. Grabe din angat ng PXP na yan bago nang ipit ng pagkaraming traders.
Take the story of PHA as a guide kapag you are dealing with similar type of news kasi dadami na naman soon ang MOU at MOA dahil may bago na namang President.
As I said earlier, sasalubungin natin ang GHOST MONTH with a BANG.
Here is that BANG!
We will have our I DARE YOU TO TRADE 4 event on July 31.
Bago ka umayaw ay tingnan mo muna mga results ng mga umattend ng course na ito last week.
Heto ang mga comments nila after the course.
Avail I DARE YOU TO TRADE 4 here: https://forms.gle/HarAbDRF5HR4i1kL6
If you want to enjoy Bear Market ay may even din kami sa July 30 called TD BEAR.
Avail TD BEAR here: https://forms.gle/XMXtD81zknZpV7qw8