Blog

Pag Entry Ko Ay Nahihit Agad Ang Stoploss Ko Pero Umaayon Naman Ang Trade Sa Bias Ko (It’s So Frustrating)

“Maam kapag umeentry ako ay nahihit agad ang stoploss ko tapos nakaakfrustrate pa dahil malaman laman ko eh umayon naman pala sa bias ko ang trade!”

Hahaha!

Ano ba dapat?

Pag-entry mo derecho na dapat ang price in favor ng bias mo?

The issue here is not hitting your stoploss.

Normal naman yan sa trading. May trades talaga na ihit niya lang ang stoploss mo tapos aayon din sayo. Wala naman exempted sa ganyan. I experience that almost every week.

Hindi mo naman alam ang mangyayare. Kung alam mo na mahihit pala stoploss mo edi lahat sana naglagay na ng different na stoploss.

Hindi mo naman pwedeng bigyan ng solution ang bagay na di mo alam na mangyayare.

Sige. Lets entertain what inexperienced trader often do.

Adjust your stoploss.

Widen mo ang stoploss mo.

Yung tight na stoploss mo pinaluwag mo.

What if gumalaw na naman ulit ang price until your stoploss na naman ulit kahit nawiden mo na at uumayon na naman sa bias mo ulit after hitting your stops. What then?

Remove stoploss na lang?

What if bumagsak hard or nag against sa bias mo hard ang price edi wipeout ka?

Ang problema dito ay hindi ang stoploss mo.

You are not ready to take a loss. Kaya ka nafrufrustrate.

Ang iniexpect mo ay win or profit.

Kung ready ka kasi sa loss once nahit ang stoploss mo ay hindi ka mafrufrustrate kasi bago ka pa umenter ay alam mo na ang iikakaloss mo once nahit stoploss mo.

You are not prepared to lose kaya ka nafrufrustrate. Minamask lang ng reklamo mo sa stoploss at movement ng price.

Be prepared matalo. Lower your size/shares para di ka masaktan masyado.

You cannot be frustrated sa bagay na expected mo na.

May you trade well.

Come join us sa aming PSE STOCK TRADING MASTERCLASS!
Avail it here: https://form.jotform.com/243561833057458
Join us sa OIL AND COMMODITIES!
Avail it here: https://form.jotform.com/232946879623472