LPC Ceiling Plays
Bukas ay malilist ang LPC by way of introduction.
Maraming susugal sa kanya.
The last time na may ganito ay kay APVI.
Umakyat sa 2,000 percent plus bago bumagsak.
I normally only warn my TDS. I inform them kung ano ang listing by way of introduction plus mga pros at cons but para lang din sa information ng ibang traders na nagbabasa ng blogs ko ay bibigyan ko kayo ng real-life na kwento.
Iba kasi kapag nagwarn ka mula sa drawing or hypothetical na scenario. Iba din kapag galing sa totoong nangyare.
Kaya nga pagdating sa trading ay di mo talaga mabili ang experience.
Goodluck sa lahat ng susugal kay LPC. Sana kumita kayo ng malaki.
I hope walang maipit. I hope walang life savings na masunog.
Enjoy and learn from this story. This was way back 2020.
THE STORY:STEP BY STEP GUIDE ON HOW TO DESTROY YOUR 20-YEAR LIFE SAVINGS
I did not get the permission to post our conversation so e narrate ko na lang.
Let me call this guy Mr. W
Si Mr. W ay ofw sa Saudi at member siya ng facebook group na nagdedeal sa mga freelance jobs. He was a trader for years but he never really risked too much ng pera niya sa trading. Until may nabasa siya na post sa fb group nila about some guy who claims to have earned a lot sa stock trading. I wont mention the guy kase ayaw ko bigyan ng free publicity. Nacurious si Mr. W so nagfollow siya. Tamang tama nawitness ni Mr. W noon kung paano nagceiling si MM. Napaisip siya at kumuha ng calculator. Na estimate niya yung laki ng kinita niya sana. Pwede na siya tumigil sa pgtatrabaho sana.
Next few days may nakita na naman siya na post sa facebook ng mga pinafollow niya. This time it was 50k to 1 million in two days.
Nasabe niya sa sarili niya na “kaya naman pala kita.in yung ganun. Antagal ko naging duwag at tanga. Next time na may umakyat mag all in ako para maka retire”
WELL… THIS HAPPENED!
Nakita niya lumipad ang APVI! Kung noong dati pinalampaa niya ang MM this time di na siya papaiwan! Bumili siya… All in. Lahat ng pera na naipon niya for 20 years…
Bumili siya sa 100. Umangat ang APVI natuwa siya.
Nag CR siya saglit.
Pagbalik niya bumagsak APVI. Nakapagbenta siya sa 70.5
Ang laki ng loss niya. Naisip niya bumawe. Bumili siya sa 74.95
Taas baba si APVI. Ngbenta siya sa 71.5
Lumaki loss niya. Gusto niya bumawe. Bumili siya sa 72.
Bumagsak APVI. Nagbenta siya sa 50.
Nanlalamig na siya. Bahala na bumilo siya ulit sa 61.
Benta siya ulit patalo sa 56.5
Bumili siya ulit dahil umakyat na naman APVI. bumili siya sa 67.
Bagsak na naman benta na naman siya sa 61.
Di na niya macontrol sarili niya. Ang nais nya kahit mabalik na lang puhunan niyan.
Bumili ulit siya sa 63.2
Benta ulit pagbagsak sa 58.
Bili sa 58. Benta sa 52.
Bili sa 53. Benta sa 43.
Bili sa 41.4 Benta sa 31.05
Bili sa 31 Benta sa 21
Bili sa 22 Benta sa 19
That was the last time na ginalaw niya port nya. 20 years na savings ubos!
Di siya makapaniwala. Di nya alam gagawin kung iiyak or sisigaw.
You will often see and hear the success stories sa trading community.
Bihira ka makakita ng totoong mga stories of failure and defeat.
You will learn more sa failure stories kesa doon sa mga success stories.
May you have learned something from Mr. W’s story.
Goodluck!
Should you be interested in learning how to trade, you may follow our social media channel and our official website:
Traders Den PH Official FB Page
Thank you.