Blog

PROFITS

Scenario

Scenario 1:

Si Jen at Oscar ay magkarelasyon. They are both traders. Nahuli ni Jen si Oscar na nambabae kaya nakipagbreak si Jen sa kanya. While okay pa sila lagi sinasabihan ni Oscar si Jen na wag itong bumili ng ABA stock. Sa galit ni Jen sa pambababae ni Oscar ay bumili siya ng maraming shares ng ABA.

Scenario 2:

Si Joanne ay isang trader na may day job sa isang BPO company. Dahil sa magandang performance ni Joanne ay niregaluhan ito ng pera ng Boss niya. Malaking bonus ang natanggap ni Joanne. Natuwa at nasurprise si Joanne. Di niya alam gagawin sa extrang pera niya. Naisipan niya na ilagay na lang muna sa stock market. ABA ang una nitong nakita na pangalan kaya yun ang binili niya.

Scenario 3:

Si Risa ay isang OFW na trader. Sa GC nila nareco yung ABA na stock the night before. Next morning eh bumili si Risa ng ABA.

Tatlo sila ay bumili ng ABA pero with different reasons at the different circumstance.

Other's Decision

Let’s say na bago pa mangyare yung tatlong scenario sa taas ay may hawak ka na na ABA stock dahil pumasok ito sa strategy mo at may buy signal. A day after nangyare yung tatlong scenario sa taas. Those three along with other people or brokers na me kanya kanya rin na reason ay nagbilihan ng ABA kaya yung result is umangat yung ABA.

IRONY

Nakita ninyo ba yung irony? Yung profit mo sa ABA was dahil sa iba’t ibang decisions ng iba’t ibang tao or broker. Sa stock market lang me ganito. Isipin mo ano kaya mangyayare if sa work mo ganyan. Lets say factory worker ka na nagtatrabaho 8 AM to 5PM araw araw except Sunday. Pagdating ng sahuran or katapusan ng buwas sabihan ka ng boss mo na “Hintay hintay lang kasi nakadepende sahod mo sa isasahod ng ibang kumpanya sa tao nila or kung sasahuran nga ba sila or hindi.” If ganyan sa work mo I’m sure mag aaway away kayo.

Diba?

Wala ka control sa profit mo sa stock market kaya please lang tigilan mo na kakacomoute sa calculator ng kikitain mo after mo bili. Dumaan din ako diyan noong newbie ako kaya alam ko galawan hehe.

Ok me another scenario pa ako. Game?

 

Another 3 Scenario

Scenario 1:

Si Carl ay isang newbie na stock trader. Marami siyang hawak na stocks. Ginawa niyang grocery store yung port niya nasa 50 halos laman. Plan ni Carl magbenta ng AB na hawak niya. Nagkamali siya at ABA na hawak niya nabenta niya.

Scenario 2: 

Si Lucy ay isang stock trader. Nagkasakit ang anak nito. Kailangan niya ng pera. Ayaw man niya ay wala itong choice but to sell yung ABA stock na hawak niya para me pang hospital ng anak niya.

Scenario 3:

Si Joaquin ay isang trader na nag apply as OFW. Natanggap siya at may flight na ito paalis ng bansa. Di na niya mababantayan stocks na hawak niya. Binenta niya lahat kasama na ang ABA na stock.

Bago pa man mangyare yung scenario na ito ay nakabili ka na ng ABA na stock. By the time na nagbenta si Carl ay nahit ang sell signal ng strategy mo kaya nagbenta ka na rin. That was before pa sina Joaquin at Lucy.

Profit At Loss

As you can see wala ka control sa profit mo but meron sa how much you will allow yourself to lose. If di ka nagbenta kahit nahit na sell signal mo at nagbentahan yung iba for different reasons eh di you allow yourself to lose more.

Light Bulb

What did I just explained sayo? Take a guess….

LET YOUR PROFIT (WINNERS) RUN AND CUT YOUR LOSSES SHORT!

Oh diba? Mas naintindihan mo. This is how a trading idea should be explained. Kung want mo eh simplify ang bagay bagay sa trading try mo kumuha ng TABULA RASA. It would change you as a trader.

 

Simplified

If I tell you something like this: “Can you please get me a solid-state water depending on the presence of impurities such as particles of soil or bubbles of air, it can appear transparent or a more or less opaque bluish-white color. exhibits at least eighteen phases (packing geometries), depending on temperature and pressure.”

You would probably be impressed or intimidated but for sure confused ka at di mo fully maintindihan. Pero if I tell you something like this:

“Uy pakisuyo kuha moko ng ice lalagay ko sa coke ko.”

I’m very sure gets mo agad at Im very sure maeexecute mo ng better yung pakisuyo ko. That is what Tabula Rasa will do to you. 

Our advocacy is FREE Education for Filipinos who are willing to learn stock trading/investing. We offer free Technical/Fundamental Analysis and Market Psychology learning materials. 

If you want to learn more about stock trading join our Facebook Group  Traders Den PH

Inside Traders Den PH  are the following: Weekly Lessons, Healthy Discussions about strategies, experiences, and lessons about stock trading. Trading strategies like MAMA, FISHBALLPAPACALMA, and fun games too. For video guide you can watch our videos in Traders Den PH Youtube Channel 

We want to offer OFW’s, Employees, and all Filipinos a chance to learn without paying a cent.  This is our way of giving back to the community.

Want to support our ADVOCACY? Click HERE

Leave a Reply