Blog

PSE Traders Come And Go But Those That Stays Have One Trait In Common ($ION and $DITO Example)

Ihave seen a lot of traders come and go sa trading.

May mga mahilig magpiflex ng gains yet after a year or two ay di na nagtitrade.

May mga sobrang active magshare ng analysis yet after a while ay di na nagtitrade.

Three years ago ay andaming nagceiling plays kay MM at EURO na ngayon wala na sa trading.

If bago ka sa trading ay parang andali lang magtrade at magkapera.

“Buy low sell high” lang ang katapat. The more time you spend sa trading ay the more na narerealize mo na di pala ganun kasimple. You cannot buy low and sell high kung hindi mo alam nasaan ang low at nasaan ang high.

Yung inaakala mo na low ay kadalasan may lower pa at yung inaakala mo na high ay kadalasan may higher pa.

Lahat ng traders na tumagal sa trading ay may common na trait.

Lahat sila ay alam paano matalo.

I did not understand that concept at first nung bago pa lang ako sa trading.

Sarcastic pa ako magcomment noon

“Alam paano matalo? May iba’t ibang ways ba matalo eh iisa lang naman ang way matalo? Kapag loss ka talo na yun. “

As it turns out pala ay kulang pa ako sa experience, understanding at growth para macomprehend ang message.

I dont know kung maiintindihan mo ito but let me show you what that concept mean using ION and DITO.

I will use two traders. They both traded ION and DITO.

Trader A earned 36 percent while trader B earned 55 percent on ION.

Most traders especially newbies tries to be trader B.

They will look at this picture and aspire to be Trader B.

Ito ang chart na nagmamatter sa kanila.

Most ng tumatagal sa trading does not care too much sa chart sa taas.

Walang difference sa kanila ang Trader A or Trader B kapag ganun ang outcome sa taas.

Ang nagmamatter na chart ay kagaya ng chart sa baba.

They will always choose to be Trader A on every trade all the time.

Wala kang chance magsurvive sa trading if iba ang approach mo.

If mali ang approach mo ay di ka magtatagal. Kung magtagal ka man ay kadalasan may ipit stock ka na inuupuan.

If tama ang approach mo sa trading ay magrereflect yan sa results mo.

Either you lose small or you win.

Yang dalawa lang na yan ang outcome na naghihintay sayo sa bawat trade kapag tama ang approach mo.

Mapa PSE man yan or global market.

I approach trading properly. This week I earned 3 Million Pesos in trading.

Sarili ko na trade. Sarili ko na kita.

Walang may nagreco sa akin. Wala din may naghype.

If nais mong matuto ng tamang approach sa trading ay come and join us sa TDSI Batch 3.

Learn how to trade forex, crypto or US stock market properly with us.

Avail it here: https://bit.ly/3E0bA8v

Heto ang result ng mga dating nagjoin.

(https://gandakohtrading.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)

Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.