Blog

Saan Ka Ba Dapat Naglalagay Ng Stoploss Mo? (Day’s High/Low, Gaps, Support/Resistance Or Below Moving Average?)

Kapag sobrang tight ng stoploss mo ay madalas kang mafifakeout.

Kapag naman sobrang luwag/layo ng stoploss mo ay prone ka sa malalaking losses or wipeouts.

Saan ba dapat nilalagay ang stoploss?

Day’s High or Low

Some traders use the high or low ng price sa DAY timeframe para maglagay ng stoploss. Kapag short position ay naglalagay sila ng stoploss sa Day’s High at kapag long naman na position ay naglalagay sila ng stoploss sa Day’s Low.

Gaps

May mga traders naman na sa GAP sila naglalagay ng stoploss. Kung may GAP UP na nangyare ay naglalagay sila ng stoploss just under the price kung saan nagkaroon ng GAP. Kung GAP DOWN naman ang nangyare ay naglalagay sila ng stoploss just above the price kung saan nagkaroon ng GAP.

Support And Resistance

Ito ang pinakacommon. Nasa below ng support at above ng resistance ang stoploss nakalagay. Static support and resistance ito.

Moving Average

Below or above ng moving average naman nilalagay ng mga traders ang stoploss nila. They use moving average as a dynamic support and resistance.

Saan Nga Ba Dapat?

Ang short na answer sa “saan nga ba dapat ilagay ang stoploss?” ay sa price kung saan maiinvalidate ang trade mo.

Kung bumili ka sa 1 peso or 1 dollar at iniexpect mo na aakyat ito while may opinion ka din na kapag bumagsak sa 0.90 cents ay invalidated na ang trade mo then lagay mo ang stoploss mo sa 0.89 cents.

Ang idea ay maglagay ka ng stoploss sa area kung saan kapag umabot doon ang price ay proof na yun na mali ang trade mo.

May Iba Pang Diskarte Sa Stoploss Placement?

Oh yes!

I will teach you secrets about stoploss, loss limits at iba pang mga diskarte sa trading success na hindi ko pa nailabas at naituro ever.

Come join us sa Trade Management Bootcamps


Avail it here:

https://form.jotform.com/242048455363457