Blog,  Guides

Same Mistake, Different Stock

MEMORY LANE

Balikan natin ang nakaraan. Some of you nagtitrade na nung nangyare ito yet some of you narinig na lang ito sa mga kwento.

Heto si NOW noon.

Nagsimula si NOW below 1 peso. Umangat ito up to 20 pesos or close to 20 pesos then ngayon ay nagtitrade na lang sa halagang 2 pesos plus.

May nakabili ng NOW below 1 peso at nabenta above 1 peso. May nakabili ky NOW sa halagang 10 pesos at nabenta above 10 pesos.

Ang nangyare sa karamihan ay nakabili kay NOW above 10 or above 15 and nabenta below 10 or below 5. Meron pa nga na until now ay hawak hawak pa rin ang stock na ito.

The question is why? Bakit ganun ang nangyare?

How can someone earn money and let it turn into a loss? Paanong nangyare na mas marami naipit?

Were they blind? How can they miss the obvious?

Sa ngayon kasi we are looking at it sa hindsight kaya natin najujudge ang nangyare.

Simulan natin nung below 1 peso pa lang si NOW. Wala pa gaanong may bumibili nun kasi nga penny stock or basura stock. May mga naconvinced na ok si NOW but mostly di pa kumbinsido. Umakyat si NOW. Umabot sa 1 peso. Nung time na umabot na siya sa 1 peso medyo matunog na si Now. Marami na nagbilihan. Dumami ng dumami and tumaas ng tumaas ang price ni NOW.

May mga di pa rin kumbinsido but mas louder na ang mga convinced. Mas nananaig na ang bullish na sentiments.

Dahil sa itinaas ni NOW dumami ang pumasok sa trading that time.

Dumami nagkaroon ng mga malulupit na trading strategy. Dumami mga analysis.

May aabot si NOW sa 100. May aabot si NOW sa 1,000.

On and on and on.

Pause muna tayo dun.

Ask yourself a question. What would make someone buy NOW sa 3 pesos and not sell sa 6 pesos?

Simple. The chance of it going to 7 pesos or 8 pesos or 9 pesos.

I won’t sit here and say “It’s greed!” na parang ako lang nakafigure out na greed yun. Of course its greed! Alam mo na yun kaya di ko na binibigyan ng emphasis.

Ang gusto ko na maintindihan ninyo ay paano ginagawa ng greed yun.

Kasi kapag iniba natin ang sitwasyon ay hindi ganun ang gagawin ng isang trader. Let’s say may lumapit sayo sa SM habang nagshoshopping ka at may magsabi na “maam/sir bili po kayo ng NOW na stock at matitriple pera ninyo.”

Bibili ka ba? Hindi diba? Baka nga sabihin mo “excuse me nagmamadali ako, tabi ka nga.”

Bakit sa trading ang laki ng effect at ang bilis ng effect ng greed? Sa buhay meron din na effect ang greed pero hindi ganun ka laki at ka bilis.

It all started sa pagpasok mo sa stock market. Di mo pa kilala si NOW. Years before pa lumipad si NOW.

Paano ka nakapasok sa stock market? Through a friend? Through family members?May nabasa ka na book?

Ano ang kumatok sa natutulog mo na interest?

The chance to earn money tama?

Yes. Yung chance na mag gain. Yan ang nagdala sayo sa stock market.

Baka nga nakarinig ka ng mga kwento na si JFC noon ay 9 pesos lang. Si SM noon ganito lang.

Pera na ma gain ang nagdala sayo sa stock market.

Since yan ang nagdala sayo sa stock market, yan din ang lagi mo na hinahanap.

Fast forward kay NOW na nabili mo sa 3 pesos. Ayaw mo eh benta sa 6 pesos kasi “baka tumaas pa sayang.”

May maliit na bulong sa tenga mo “wag mo eh benta. baka lalo pa tumaas. yung JFC nga 9 pesos naging 200 plus.”

“pag di umangat mabebenta mo naman yan sa 2.9 pesos. Win-win scenarion pa rin yun”

Umangat si NOW sa 6 di ka nagbenta. Umangat sa 9 di ka nagbenta sabay may bumulong sayo na “Oh see…kita mo na!Sabi ko na sayo eh kung binenta mo yun panis ka!”

Umangat si NOW sa 15…Umangat sa 19…Bumalik sa 15…

May bumubulong sayo…

“Wala yan…nadaanan mo na yan noon…aangat pa yan..ang layo na ng base mo”

Bumagsak sa 10…Sa 9..Sa 6…Sa 4…Sa 3…. Sa 2…

“Tsk!Bakit ba hindi ko nabenta?Ayoko eh benta to ng palugi!Aangat pa ito!”

“Para akong nafreeze…di ko nabenta sa taas…di ko alam ano nangyare…namental blak ata ako”

“Ok lesson learned na lang yun”

Next thing you know nanjan na naman si DD.

Same scenario iba lang na stock. Same result pa rin.

Next thing you know nanjan na naman si MM, si PHA, si ACEN. Nagpapalit lang ng stock code pero same na nauulit ang mali mo.

May mga modifications lang ang mali mo dahil sa mga knee-jerk reactions mo. Kay Now di ka nagbenta until bumaba. Kay DD naman nagbenta ka at may gain ka pero bumili ka naman ulit sa taas. Pagbagsak mas malaki pa naloss mo kesa sa gains mo.

Ky MM di ka bumili. Tiniis mo wag matempt. After 2 days na ceiling bumili ka. Next thing yuo know ipit ka na naman.

On and on and on and on.

Nauulit lang. Nagkakaroon lang ng modification but still same pa rin result ng trades mo.

WHY?

Bakit ganun?

Ang short answer ay nasa perspective.

Nasa kung ano at paano mo tingnan ang stock market.

Ang stock market ay stock market. It always does its thing.

Nagkakaroon lang ng difference sa the way tumingin ng bawat trader sa stock market.

Yung iba tingin dito ay roleta ng mga stock na lumilipad.

Yung iba naman ang tingin ay palitan ng mga stock na mula piso ay nagiging 200 pesos.

Iba iba ang tingin. Kung ano man ang tingin mo ay hindi yun ang stock market. Perspective mo lang yan.

Walang mangyayare sayo unless mabago mo ang perspective or pananaw mo. Yung mga mali mo ay mauulit lang din yan.

You can blame it sa Hype, FOMO, Fear, etc.

Paulit ulit lang yan until ubos na pera mo.

TURNING POINT

Sabi nga nila eh uulit ulitin mo ang pagkakamali mo sa stock market until one day ay magsawa ka or maubos na pera mo. Yun ang time na either magkaroon ka ng turning point or totally mag quit ka na.

Bago ka mag quit, daanan mo muna itong first Trader’s Diary na naisulat ko para sa TDS a month ago. Who knows…. it might turn things around for you!

 

CLICK HERE: TRADER’S DIARY #1

Looking for Pinoy Stock Trading Community? Join Traders Den!

If you don't know where to start, you can visit our Shopee store. Click the image to go to Shopee now.

 

Like, subscribe, and follow our social media channels. 

Shopee

Traders Den PH Official FB Page

Lioness

TD Ph Books

Thank you.

LEARN NEW STRATEGIES!

Leave a Reply