SGP
This is a blog I made for TDS last October 5.
I want to share it sa inyo now para may idea kayo kung ano at paano ang dynamic learnings ng TDS plus para na rin informed kayo.
Malaki ang kinaiba ng nagbabasa ka ng news sa naiintindihan mo ang nangyayare.
Sa TDS, simple at naiintindihan nila ang mga nagaganap at kaganapan sa merkado. Pag may bagong ganap ay naiinform din agad sila sa level na madaling intimdihin.
If interested kayo magjoin sa TDS, here is how https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6
This was my October 5 blog. Enjoy!
MPO
Minimum Public Ownership.
Dati 10% lang ang required na MPO.
Last Aug 2020 ay may mga binago sa rule na ito ang PSE.
20% na ang minimum public ownership.
Read ninyo na lang ang news if want ninyo ang specifics:
(https://www.bworldonline.com/public-float-requirement-raised-for-firms-included-in-pse-indices/)
Bago tayo magpatuloy ay pag usapan muna natin ano ba ito.
Yung MPO ay mga shares na hawak ng public. Common na tawag sa shares na hawak ng public ay free float.
Mahalaga ito. Bakit?
Kapag marami ang shares na hawak ng public ay hindi madaling eh manipulate ang stock price. Sabihin na natin na may 1,000 na shares ang isang stock. Tawagin nating stock A. Si stock A ay may free float or public float na 20 percent. Yung 200 na shares ay hawak ng public. Si stock B naman ay may 1,000 shares din. Ang free float niya ay 5 percent lang meaning 50 shares lang.
Ngayon si Don Pakito ay may maraming pera. Dahil 50 shares lang ang nakapublic sa stock B ay madali niya itong paglaruan.
Kung ang stock price ni stock B ay 1 peso, bibili si Don Pakito ng 10 shares sa 1 peso. Dahil konti lang ang shares na available ay baka ang next na share ay nakasell order na sa 1.5 pesos.
Ang gagawin ni Don Pakito ay bibili siya ng bibili. Aangat ang price. Napapagalaw ni Don Pakito ang price sa gusto niya kasi konti lang ang shares.
Bibilhin niya ng bibilhin. Kapag marami na hawak niya ay maglalagay siya ng sell order sa 3 pesos or 5 pesos. Since wala na ibang shares available ay mapipilitan ang iba na bumilo doon pag gusto nila magkashares.
Bebenta ngayon ng bebenta ni Don Pakito.
Tumubo siya.
Eh dahil nga wala naman gaanong buyer eh ibebenta lang din ng nakabili yun sa mababa. Aabang na naman si Don Pakito sa piso.
Paulit ulit na mamanipulahin no Don Pakito ang stock price.
Nagagawa niya yun dahil 50 shares lang ang available sa public.
Di niya magawa sa stock A yun kasi 200 shares ang available. Ubos na pera niya eh marami pa rin shares available or hawak ng ibang traders.
Basically, yan ang dahilan bakit tinaasan ng PSE ang Minimum Public Ownership. Para maiwasan ang manipulation at yung stock price ay totoong result ng buy and sell ng maraming traders or investors at hindi ng isang tao lang.
Minimum Public Ownership ay 20 percent sa bawat stock.
Minimum yun meaning yun ang pinakamababa na pag aari ng public.
SGP
Yung SGP or Synergy Grid & Development Phils., Inc. ay nasuspended last May dahil bumaba ang public float nila sa 20% na minimum required ng PSE.
Bumaba ito as a result of a share swap deal. Synergy Grid acquired an indirect 60% stake in the National Grid Corporation Philippines (NGCP).
Para makacomply sa 20% na minimum public float ay magkakaroon ng FOO or follow-on offering ang SGP.
SGP is looking to offer 1.053 billion common shares with an overallotment option of 101 million common shares at P15 to P25 per share.
SGP will set the final offer price on Oct. 26.
Yung proceeds mula sa FOO ay gagamitin para mag purchase ng non-voting shares in NGCP within 12 months of the FOO.
The non-voting shares will be issued by National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) to SGP, so the purchase price paid by SGP will go to NGCP, and NGCP has said that it will use the proceeds for its heft capex requirements for the 2021-2025 period. Ayun ito sa ulat mula sa Philstar.
The offer period is expected to run from October 29 to November 5 and the listing of shares with the Philippine Stock Exchange is expected on November 12.
Synergy Grid is a holding company and its sole operating asset is the NGCP. The company, jointly owned by Henry T. Sy Jr. and Roberto G. Coyuito Jr., through their respective companies OneTaipan Holdings Inc. and Pacifica21 Holdings Inc., exercises control over 60 percent of the outstanding capital stock of NGCP.
INFORMATION
This is just to inform you sa mga nangyayare sa market.
Pang increase ng float lang talaga ang FOO na ito.
Pag di ka sumunod sa requirement ay masususpend ka at maaring madelist if di mo inaksyunan ito.
You can research more about SGP and its planned FOO if interested kayo. Type ninyo lang sa google at marami na nakasulat.
Nasa BOSS book ang FOO. Balikan ninyo lang at basahin para mas maintindihan.
Since May ay suspended pa ang SGP dahil di pasok sa minimum public ownership requirement ng PSE which is 20%.
I will inform you kapag may bagong ganap sa market. Stay tuned lang.
4 Comments
ART
Thank you ma’am GK. God bless you po. ❤️
Natoy
Thank you maam gk
dan de jesus
Very good to know these things. Thank you Ms. GK.
Ed
Wow..thank you mam very informative