Blog

$SGP: Newbie Trader (Senate Involvement ,Maharlika Fund And NGCP Franchise Explained)

Let’s talk about SGP.

Simulan natin almost two years ago.

Watch this.

Yung nag open talaga ng can of worms ay yung reklamo ng mga tao sa madalasa na power outages at mahal na singil ng kuryente.

Nung naopen na ang can ay andami pa lang worms talaga.

An investigation was made at maraming lumabas na hindi magandang findings kaya nasa hot seat si NGCP/SGP.

(https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/870072/congress-eyes-inquiry-on-power-transmission-disturbances-outages/story/)

That went on for months.

Nainvolve si ERC.

Tumahimik konti for few months ang issue until nagkaroon na naman ng matinding blackouts sa Panay.

(https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2024/0105_tulfo1.asp)

(https://www.gmanetwork.com/news/money/companies/893845/panay-blackout-lawmaker-seeks-ngcp-franchise-review-penalties/story/)

(https://newsinfo.inquirer.net/1888709/franchise-loss-class-suit-eyed-vs-ngcp)

Bago tayo pumunta kay SGP ay alamin muna natin ang history ng SGP at NGCP na ito kasi maraming walang idea bakit naging private corporation ito.

WHat Is SGP ANd NGCP?

SGP is part of the Filipino consortium controlling the National Grid Corp of the Philippines. NGCP operates, maintains, and develops the country’s transmission network. NGCP is privately owned company.

Dati ay Government owned ang company na nagmamaintain, operate at nagdedevelop ng transmission network natin. A transmission network is a high-voltage system for the transfer of electric power. It consists of transmission lines, substations and switching substations. Simplehan na lang natin. Government dati ang me hawak ng kuryente sa bansa.

Nung panahon ni Gloria ay nagkaroon ng EPIRA or Electric Power Industry Reform Act. Layunin nito na ayusin ang power sector ng bansa. Paano aayusin? Papasukan ng private sector para mas mag improve. Kapag kasi may private sector eh tested and proven naman na mas nag iimprove ang service. Nagkaroon ng privatization ngayon.

Matagal umupo si Gloria kasi naimpeach si Erap then nanalo siya for President as her second term. During sa term niya ay nagkaroon ng bidding para sa privatization. Tatlo ang nanalo. YUng SGCC (State Grid Corporation of China)which is China at company ni Henry SY Jr at ni Robert Coyiuto Jr. May 40 percent limit ang foreign ownership kaya 40 percent lang sa China at 60 percent sa dalawang Pinoy.

Kaya nabuo ang NGCP dahil sa consortium ng China at dalawang Pinoy.

2009 ito nabuo at ang deal ay almost 4 Billion dollars at ang franchise nila ay 50 years.

Clear na sa history?

Balikan natin ang can of worms na sinabe ko sa taas.

Nagkaroon ng investigation ngayon at nabaling ang attention kay NGCP.

Napag alaman na yung isang may ari ng NGCP ay Chinese or China.

Well, alam naman na kasi nga nagpabidding pa noon at may nanalo but you could say na sa current atmosphere ng China ngayon sa Pilipinas ay parang…. “woah China pala may ari nito?”

So since China ang sangkot ay “national security issue” agad at “spying.”

Ganito ang tone ko sa pagsulat kasi yung SGCC ay di lang naman may negosyo na ganito sa Pilipinas. Gawain na nila talaga ito. May same negosyo sila sa Australia, Brazil, Greece, at marami pang iba.

So ganun na nga. May national security issue na since sangkot ang China.

Next na worm ay ang income.

Okay ganito. So nag invest yung tatlo. Ano ba punto mo sa pag iinvest?Edi kumita.

Napag alaman na in 6 years after nila manalo sa bidding ay nadoble na nila ang investments nila. Tumubo na sila. Tubong lugaw.

Dito papasok ang dividends.

Ano ang problema sa dividends?

Too much dividends daw.

Yung income noong 2014, 2015, 2017 and 2019 ay napunta sa dividends para sa shareholders. Sample ay nung 2014 yung income ay 22 Billion while ang dividends ay 24 Billion.

Sa kabuuan ay kumita ng 286 billion. Yung 208 Billion ay binigay na dividends sa shareholders.

Another worm ay ang delayed na mga projects at yung pagkuha sa mga electrical consumers ng bayad para sa mga projects na ito.

Sa side naman ng NGCP ay ganito ang paliwanag nila.

Gumastos sila ng limpak limpak na pera kaya lumago ang negosyo. Nasa 300 Billion plus ang investment nila samantalang bago sila pumasok ay halos 35 Billion or less lang ang kaya igastos ng gobyerno.

Sila nagtayo ng mga linya, kuryente at iba pa. They invested a lot kaya sila kumita. Noon na panget at walang kita ay ipinasa sa kanila tapos ngayon na kumita na ay may issue na.

Paliwanag din ng NGCP na may mga delays kasi nga nagkaPandemic.

Yung pagpasok ng China ay inaprubahan naman yun ng gobyerno noon at hindi siya national security concern nung naghahanap pa ang Pinas ng investor pero ngayon national security concern na.

Bakit Bumabagsak Si SGP?

May mga Senators na nagpupush na irevoke or cancelahin ang franchise ng NGCP at ibalik sa Government ang control ng kuryente sa Pilipinas.

Pagdating sa pakikialam ng Government sa private business ay seryosong matter ito. If naaalala pa ninyo ang MWC ng Ayala diba napilitan silang ibenta ito kay Enrique Razon nung inatake ni President Duterte. Yung ABS din if naaalala ninyo pa. Franchise din ang di nila narenew.

I don’t have a strong opinion sa case ni SGP or ni NGCP kasi on one hand ay okay din na somehow may nagkuquestion at para din naman sa ikabubuti ng kuryente at price ng kuryente ang outcome. Sa isang banda naman ay di mo rin masisi ang NGCP at SGP kasi ang Government naman ang nagpasimula nitong lahat. Hawak nila ito noon tapos di nila inayos. Yung 40 percent na foreign ownership eh ang Government naman ang may akda nun.

Lets talk a little bit about the chart.

Many times din naoversold si SGP.

Mula nung naoversold siya ay isang beeses pa lang siyang umakyat up to overbought levels.

Dati tuwing galing oversold ay umaakyat but then bago pa dumating sa overbought level ang RSI ay bumabagsak na.

RSI tells you overbought and oversold levels.

Hindi yan siya entry or exit signal.

Lets put Baby 2.0 Strategy sa chart.

Get BABY 2.0 Indicator here: https://forms.gle/WC3jbnZp12BMAr1S7

May 6 entries and exits na binigay si Baby 2.0 Strategy kay SGP as it was going down.

Ang last entry na bigay ni Baby 2.0 Strategy ay wala pang exit signal.

Nakaupo ang mga users kay SGP with over 15 percent gain.

May lumabas na balita about Maharlika Fund na interested sila mag-invest sa NGCP.

Yun ang naging hype sa mga traders.

Nung lumabas ang balita na yun ay nagremind ako na always be very careful sa news kasi news are bound to change without any notice.

Kung matagal ka nang nagtitrade ay andami mo nang inabot na real life examples ng balita na good news ngayon tapos bukas bad news.

Nandun ang drama kay WEB several years ago.

Yung MWC ng ayala.

One day kala mo babagsak sa piso kasi Presidente ang kalaban. The next week nagkapatawaran na at nagkaayos na.

Heto ang latest about NGCP and Maharlika Fund.

(https://www.philstar.com/headlines/2024/01/07/2323983/maharlika-eyes-investing-ngcp)

Kung trader ka ay dapat objective ka lang.

Trade what you see sa chart.

Do not hope for anything. Do not fear anything.

Kung malakas si SGP ay aakyat price niyan. Kung mahina si SGP ay babagsak price niyan.

Wala kang dapat gawin but observe what the price/market will do.

Si market naman ang magpapakita sayo kung gaano kalakas or kahina ba talaga si SGP.

Not the news. Not the bash. Not the hype.

Yang ganyan na mentality ay part ng proper trading approach.

We teach proper trading approach and it did wonders for our students mapa PSE trading man or global trading.

One of our top students manage to make a 400,000 pesos profit mula sa 40,000 pesos na capital niya.

Heto ang interview niya.

May student din kami na halos for ilang straight weeks ay kumita ng over 50,000 pesos per week.

Yung success stories ng mga students namin ay hindi lang kwento but may kasamang profit.

Kung nais mong magtagumpay sa trading ay panahon na para itry mo ang mentorship, courses at programs namin.

Come and join us!

Learn how to trade forex, crypto, US stock market or Philippine stock market properly with us.

Avail it here:
https://bit.ly/47MQjLM

Heto ang result ng mga dating nagjoin.

(https://blogs.tradersdenph.com/kikita-ka-ba-talaga-kapag-sumali-ka-sa-tdsi-mentorship/)

(https://blogs.tradersdenph.com/tdsi-mentorship-resultskumita-nga-ba-ang-mga-nag-avail/)

Heto ang interviews ng mga nakagraduate na.

DO NOT MISS OUT!

You deserve to at least try!

Proper trading approach made it possible for us to earn these:

Trading is risky and dangerous kapag mali ang approach mo but rewarding ito ng sobra kapag tama ang approach mo.

You can succeed in trading at pwede ka naman din magfail but at least you had the opportunity to at least try.

You deserve that chance to try.

Try it now! REGISTER HERE: https://forms.gle/3YnEJZNjzcHguEDP7

 

Visit our social media channels!

For more trading materials, visit our official website here:  Home – Traders Den PH 

For trading books, visit our Official Shopee store

To join our growing community, visit our Facebook Group TRADERS DEN PH FACEBOOK GROUP