The Need to Control Everything Is the Main Reason Traders Fail
Kapag nakakita ka ng trader na nagsasabi or nagpopost ng “I need to increase my win rate” or “I need to increase my profit” then you are looking at either a failed trader or a trader that is about to fail.
Maraming traders ang nahihirapan mag let go ng “control” sa trading.
Most want to control everything pagdating sa trades nila.
They try to force trades. They try to force wins.
Kapag trader ka na gusto mong macontrol ang lahat ng aspect ng trade mo ay mahihirapan kang magsurvive sa trading.
Yung outcome ng mga trades mo ay never mong macocontrol ever.
You can try but wala kang control over what the market wants.
Ang hirap nitong idea na ito ipasink sa karamihan ng traders.
Most will react like “so ano? Iasa ko na lang sa chamba?”
“So ano? Hahayaan ko na lang?”
Its hard for them to let go of their “control” pagdating sa trading.
Ang nagiging ending ng bawat trade nila ay frustrations at disappointments.
“Ginawa ko na lahat pero talo pa din ako.”
As a trader, wala kang control sa outcome ng trades mo.
Feeling mo lang minsan may control ka kasi umaayon ang galaw ng market sa direction ng trades mo.
Ang totoo niyan ay wala kang control sa mangyayare sa trades mo after mo pumasok.
Pwedeng panalo yan. Pwede rin na talo.
You can limit your losses kapag talo ang outcome but wala kang way para icontrol ang mismong outcome.
That is a very hard pill to swallow para sa maraming traders.
I went through a lot of huge losses and mistakes nung bago pa lang ako before ko maaccept ang idea na wala akong control sa outcome.
You can either accept it and adapt or do what most failed traders do which is ipilit na tama sila at may control sila and ultimately end up na naipit, nasunog or nawipeout.
Improve your trading psychology and approach with us.
Join our Trade Management Bootcamp! https://form.jotform.com/232946879623472
You must be logged in to post a comment.