Blog

Time-Based Stoploss (Time Stops And Exits)

“Maam, diba mas maganda kapag time-based ang stops mo? Para kung walang activity after entry ay may parang time-limit ka to exit the trade.”

Well, some traders add time-stops as an additional layer of protection.

Lets say pasok sa strategy mo si stock A.

Binili mo siya. Long na trade.

May stoploss price ka. May proper exit. May added time-stop ka pa. Ang condition ng time-stop mo ay kapag hindi nahit ang stoploss mo or hindi umakyat ang price (meaning di gumalaw ang price) ay eexit mo na ang position after 30 minutes.

You get in. You exit dahil nahit stoploss mo. You exit dahil kumita ka na at nahit ang proper exits mo or trailstops mo. You exit dahil walang galaw ang price sa loob ng 30 minutes. Tatlo ang possible exit condition mo.

Yung stoploss mo ay invalidation ng trade mo. Your trade direction is one way tapos ang iginalaw ng price ay opposite that direction kaya nahit ang stoploss mo. Yung proper exit or trailstop mo ay kapag gain ka na pinoprotect niya ang gains mo. Naeexit ang position kapag nagreverse na ang takbo ng price after niyang umayon sayo. You exit with gains. yung time-stop naman is just you getting bored sa kawalan ng action.

Kawalan ng galaw after some time ang trigger ng time-stops.

Hindi siya gaanong related sa market but more on kawalan mo ng patience kaya ka umeexit after 30 minutes or kung anong time man ang naset mo sa time-stop mo.

You are trying to force your own preferred condition kay market. Hindi yun uubra kasi may sariling galaw ang market. Di mo siya pwedeng diktahan.

Para mo siyang hinahamon na “gumalaw ka within 30 minutes or else out na ako!”

Market will not care about your time-stops.

What if after 35 minutes saka pa nagkaroon ng galaw na umayon din sana sa trade mo? Edi you missed out on some good trades dahil lang sa impatience.

Avoid using time-stops.

Let the trade play out. Hayaan mong either mahit ang stoploss mo or ipatrail sayo ni market ang gains mo.

Market is supreme. Hayaan mong siya ang magbigay ng outcome sa trade mo.

May you trade well.

Come join us sa aming PSE STOCK TRADING MASTERCLASS!
Avail it here: https://form.jotform.com/243561833057458

Join us sa OIL AND COMMODITIES!
Avail it here: https://form.jotform.com/232946879623472