Blog

Trading Distractions

I had a very funny interaction with my TDSI students nakaraan sa live sessions namin.

Yun ang time kung saan nagkaroon ng gyera sa Israel. Yung unang araw ng gyera.

That was a huge and shocking news.

Around that time din ako umexit sa 6.7 Million pesos gain ko na trade.

They asked me if I consider news as an indicator.

I said no. I consider news as a distraction.

Yung mga news, posts, comments, at iba pa ay mga distractions lang yan kako.

Andaming magagaling mag abang sa balita, disclosures at mga breaking stories pero hindi naman nila yun napapakinabangan. They are informed but thats about it.

Yung performance nila ay hindi naman nag iimprove.

I don’t rely on news but I did manage to earn 2 million pesos in 1 day.

If naiintindihan mo kasi kung ano talaga ang trading ay magegets mo na walang direct relationship ang balita at ang price.

Ganito ang flow niyan.

Lalabas ang balita. Yung balita ay masasagap or pupunta sa trader. Yung trader iinterpret ng balita then gagawa ng trading decision.

Anuman ang trading decision na gawin ng trader na yun ay lalabas yun sa chart.

Ako ay doon na ako dumiderecho mismo sa chart.

Yung isa pang problema sa news ay hindi lahat nagrerely sa kanya so anuman yung expected impact ay hindi ganun kapowerful kasi yung iba ay may ibang dahilan naman sa mga trading decisions na ginagawa nila.

Minsan umaayon ang galaw ng price sa news but hindi all the time.

Isang time lang na hindi umayon ang balita sa trade mo at news lang ang tanging signal mo sa pagtitrade ay disaster yung outcome ng trade mo.

As a retail trader pa eh 3rd hand or 4th hand information pa ang nakakarating sayo kasi mas marami pang dinadaanan muna ang balita bago mo ito makita sa internet or sa mga news sites kaya wala ka talagang edge pagdating sa ganun.

Avoid trading distractions. Approach trading properly.

Join our growing community in Facebook-  Traders Den Ph | Facebook

Home – Traders Den PH

 

VISIT US ON SHOPEE NOW!
👇👇👇👇👇
OFFICIAL SHOPEE STORE