Trading Goals: “If you don’t have a goal, chances are you will never get there.”
I was reading an interesting take about trading goals.
“Trading goals help us focus.”
“Trading goals give us directions.”
This was an interesting take form me kasi sobrang daming naniniwala sa idea na ito.
“Ako kahit 5% per month na kita lang ay okay na ako.”
“I bought my stock at around 5 pesos kaya siguro mga 7 pesos magTP na ako.”
“Maka 8 out of 10 wins lang ako every trade ay okay na ako.”
Stock, forex or crypto market does not work like that.
Yung goals mo ay personal goals mo yan at walang pakialam si market sa goals mo na yan.
Kahit pa 2% gain lang ang target mo each month eh irrelevant yan kay market.
Si market ang nasusunod sa mundo niya.
Lets say may 2% gain ka this month sa pagtrade mo.
Bumili ka ng isang stock. Naagkaloss ka ng 7 percent.
Panu na ngayon ang month mo?
Hindi mo naman maguarantee na next month makakabawe ka.
Hindi mo naman alam kung alin sa mga trades mo ang gain at alin ang loss bago pa sila magmaterialize.
You can have 5% or even 10% na profit goal per month but wala kang way para maguarantee yan.
May months na mas malaki pa yung profits mo pero may months din na talo ka.
Game of probability ang trading.
Full of uncertainty ang bawat trade.
Yung idea na may sarili kang gustong mangyare at gusto mong sumunod si market sayo is insane.
I do not have to convince you na insane ang idea mo na yan. Go ahead and try it sa trading at si market na mismo ang magpapakita sayo ng reality.
Over a decade ago ay may kakilala akong trader na pinasok ang trading para kumita ng 20% para may pang opera ang sick father niya.
Bumili siya ng isang sikat na stock at that time at nagpray. Hindi nga lang pray kasi nagrorosaryo na siya talaga.
Ano nangyare? Natalo ng over 30 percent ang pera niya.
Kapag hindi mo naiintindihan kung paano nagwowork ang market ay talagang either maiipit, masusunog or mawawipeout ka lang sa trading.
“Eh bakit ikaw po kumita ng 2 Million pesos sa isang araw?”
I did.
Kumita ako ng 2 Million pesos sa loob lamang ng isang araw pero di ko goal yun.
I never went into that trade thinking na kikita ako ng 2 Million pesos or goal ko kumita ng 2 Million pesos.
Si market lang ang nagbigay nun. Umayon sakin ang mga trades ko.
Pumasok ako sa trade na yun nakafocus sa ikakatalo at exits ko.
Sobrang dami ng mga maling paniniwala ng mga traders about trading.
If mahilig kang tumambay sa crowd ay maaadapt mo din yung mga ganung paniniwala.
Mga may jockey. Mga may TP. Mga nagbabantay sa net foreign buys. Mga nagbabantay sa mga brokers. Mga nag aabang sa news. Mga nag aabang sa earnings report.
Kung tama ang approach mo sa trading ay lalabas yan sa trading performance at trading results mo.
Judge mo ang sariling performance at progress mo via your own trading results at makikita mo ang reality.
Here are some helpful links to our Trading Materials:
Join our growing community in Facebook- Traders Den Ph | Facebook
VISIT US ON SHOPEE NOW!
👇👇👇👇👇
OFFICIAL SHOPEE STORE
You must be logged in to post a comment.