Trading Is Not Fair!
I remember a week ago when SGP was the hottest topic sa trading community.
Halos lahat may SGP.
Kapag hindi ka nag avail ng FOO ay di ka IN.
Most ng TDS ay di nag avail. We look at the risk. Its too risky to get in on something na wala ka pagbabasehan how to get out.
“Maganda ang SGP dahil (insert any reasons you can think of)”
Yung reason na yan ay useless sa pag exit.
Sige let me simplify. Let’s say bumili ka ng SGP and ang reason mo ay yung NRCP.
That is a valid reason. That is a great reason. Sa mga trader na tulad namin eh useless yun.
Yung entry is dahil maganda ang SGP. Paano ang exit? Exit dahil pumanget? hahaha.
Most of us did not avail FOO dahil sa risk. Wala pa siyang history.
Bakit mahalaga ang history? Kapag kasi me prices na siya eh alam mo na ang totoong decision ng merkado about SGP. Yung market yan ang supreme. Ke marami ayaw sa SGP kung ang market eh may gusto, siya ang masusunod.
Tandaan mo na most ng nakikita mo na opinion are opinions ng mga planktons sa dagat. Mga retailers ang maiingay sa mga opinion nila. Wala ka halos makikitang opinion sa mga insti or big players.
The market showed us what it thinks about SGP.
Nung may history na, thats the time na naglaro na kami.
There are a lot of ways to play it kasi nga maraming TD strategies.
Let me show you how some TDS did it using Fishball.
That’s it! Get in, get out!
OPPORTUNITIES ARE ENDLESS
Bakit ko nasabing unfair?
I will tell you why. Ang nakikita mo now ay ang version kung saaan umangat ang SGP. As we speak almost 15 pesos na siya ngayon.
How about ang version kung saan bumagsak si SGP? Di mo naisip noh?
Kung nag avail ka FOO and bumagsak si SGP then you are stuck with it.
That was the unnecessary risk we avoid.
Isipin mo ha. Kung talo or bagsak si SGP ikaw lang andun. Kung umakyat madami ka kasama kasi madami handa magtrade.
Labas pasok lang sila.
Pag umakyat pa more si SGP labas pasok ulit sila.
Parang unfair noh?
Marami pang unfair na bagay bagay ang di mo alam.
Come join us sa TDS and makikita mo ang different perspective about stock market.