Blog

Trading Regrets

How do you handle a trading regret?

Naisip mo na ba yun?

I can say na isa ang trading regrets sa mga bagay na hindi napapansin ng mga traders that affects their trades so much.

Let me give you three scenarios na I’m sure ay makakarelate ka.

Scenario 1

Bumili ka ng stock sa 2 pesos. Bumagsak ang stock sa 1.8 pesos. Nahit ang cutloss mo sa 1.7 pesos. Napaexit ka sa 1.7 pesos and you feel good kasi nagclose ang price sa 1.5 pesos.

The next day ay mula 1.5 umakyat ang price sa 2 pesos then umakyat pa more sa 2.5 pesos.

Nagsisi ka bakit ka nagbenta the day before. Kung naghold ka lang sana ay wala kang loss at nakagain ka pa.

Umakyat pa ang price sa 2.6 pesos at hindi mo na kayang manood kaya bumili ka sa 2.65 pesos. Umakyat sa 2.8 pesos ang price at natuwa ka. Nung malapit na magclose ang market ay bumagsak yung price down to 2 pesos at napilitan ka na namang magcut ng losses.

Scenario 2

Bumili ka ng stock sa 2 pesos. Nagbenta ka sa 2.5 pesos. The next day ay umakyat ang stock sa 3.5 pesos.

The moment na nakita mo na umakyat sa 3.5 pesos ang price ay magreregret ka kung bakit mo nabenta sa 2.5 pesos.

Some will regret and do nothing but most will try and buy again para sumakay ulit.

Ano ang kadalasan ending sa ganitong scenario? Nakabili sa tuktok tapos bumagsak ang price kaya nagbenta ng palugi.

Yung unang gains ay kinain ng loss sa second niyang pag entry.

Scenario 3

Bumili ka ng isang stock sa 2 pesos. Bumagsak ang stock. Nagbenta ka sa 1.5 pesos.

After mo magbenta ay may certain regret ka about that particular stock pick.

“Bakit ba yun pa ang napili ko.”

“Paano ko ba maiiwasan makapili ng ganun na klase ng stock next time?”

You wished na sana ibang stock na lang sa watchlist mo ang binili mo.

Isolated case

Most traders do not pay any mind sa regret kasi inaakala nila na isolated case yung mga ganun but its not as uncommon as you think it is.

Regret plays a great part sa mga bad trading decisions na nagagawa mo.

You plan for your entry. You plan for your exit. You plan for the risk that you would take.

Lahat ng plans mo ay kayang sirain ng emotions mo.

Trading Is Personal

Kaya ka nakakarinig ng phrase na “trading is personal” kasi bawat trader ay may iba’t ibang ways maghandle ng emotions.

Karamihan sa mga traders give in sa regret.

I listed 3 scenarios sa taas involving regret. Mahigit isang daan pa na magkakaibang scenario ang meron involving regrets.

Hindi analysis ang nagpapahirap sa trading journey ng isang trader.

Yung mga technical indicators kapag nalaman mo na sila ay ganun na yun.

RSI will be RSI.

Yung mga financial reports kapag nalaman mo paano basahin ay yun na yun.

Yung emotions na mararamdaman mo ay paiba-iba sa trading kaya siya challenging.

Start paying a closer attention sa ganyan na aspect ng trading.

Get to know your emotions better.

Learn kung ano ang mga scenarios at bagay-bagay na nakakatrigger ng emotional response mula sayo.

Being aware of those emotions and the response you make kapag natrigger sila gives you one step closer sa trading success.