Blog

A Lesson From SCC

Ke may hawak ka man ns SCC ay may dalawang bagay ka na dapat nalearn sa nangyare.

LESSON #1

Yung mga traders na nagrereco ng stock ay magtitake credit lang kapag umaangat or umaangat ang isang stock.

The moment na bumagsak na ito ay either “you should have entered on your own risk” ang sinasabe or totally no comment.

LESSON #2

Yung akala mo na low ay may lower pa pala.

This lesson is true kay ABA noon and ngayon naman kay SCC kaya never listen sa reco.

Do not trade based on reco. Walang nakakapredict ng future.

Andaming abangers sa bounce ng SCC.

If bounce trader ka ay tama naman na mag abang ka sa SCC kasi siya ang bumagsak.

Para makabounce ay kailangan muna bumagsak.

If you traded SCC for a bounce trade ay dapat wala kang opinion sa mangyayare.

If nagbounce then ok. If hindi then cut mo losses mo small.

Di mo pwedeng iforce ang gusto mo sa market.

Di ka pwedeng magbounce trade na di ka marunong magcut ng losses.

Yun low ay may chance lagi maging lower.

Yung lower ay pwede laging maging lowest.

LESSON #3

If nagkaloss ka as long as di ka naipit ay okay lang yun.

Part ng trading.

If naipit ka or nasunog dahil ayaw mo magcut ng losses then di na part ng trading yun.

Conscious decision mo na yun na magpaipit at maghope.

Isang trade lang yan at may 1,000 or more trades ka pa na gagawin sa buong buhay mo as a trader.

Do not feel bad sa isang trade.

LESSON #4

Kung Baby 2.0 ang strategy na gamit mo ay malamang hindi ka naipit or nasunog kasi wala itong buy signal kay SCC so far.

Ano mangyayare kay SCC next week? Aakyat na ba?Babagsak pa ba? No one knows. Si market ang magdedecide niyan.

Have a great weekend. Have a great holiday sa lahat.

Leave a Reply