Blog

Conditions Can Change And they Usually Do!

I witnessed traders go crazy sa BSC na stock a year ago.

Some even considered BSC to be a potential Bluechip Candidate in years to come.

May mga BSC fanatics. May mga tumayo ng facebook group dedicated kay BSC.

Malakas naman kasi si BSC. It went from below 0.2 cents to more than 2 pesos.

Analakas nun.

BSC fell off hard though.

Maraming traders ay hawak hawak pa rin ang stock na ito now.

Bago ako magpatuloy ay may kwento muna ako.

Few years ago nung wala pa ang mga smart phones ay patok na patok na business ang computer station.

If inabot mo yan noon ay mag aagree ka sa akin. Mula sa pagsusurf sa internet, sa printing at sa mga games. Andaming internet cafe at internet shop ang naglabasan.

If familiar kayo sa Netopia ay masasabi mo na ito yung pinakamalakas na internet cafe noon.

Years later ay humina na ang internet cafe business dahil nagsulputan na ang mga hand held internet gadgets. May mga smart phones na. May mga ipad. May netbook. Andami na.

Di lang internet cafe business ang dumaan sa ganitong changes. Nandiyan yung Kodak, VHS Rentals at iba pa.

Sa trading ay ganun din. Nag iiba din ang condition ng merkado. Yung isang stock na super lakas dati ay maaaring humina ngayon.

May iilan na nag aadapt at nakakawithstand ng mga changes sa business condition at market condition but mas malaki ang bilang ng mga hindi.

Si TUGS noon ay sobrang lakas niyan.

Si VITA ay malakas din.

If trader ka and di ka marunong mag adjust sa conditions na binibigay ng market ay kawawa ka.

Biktima ka lagi. Lagi kang ipit or sunog.

Let this picture stay sa mind ninyo for a while.

The same stock na nagbigay kay Pedro ng malaking gain….

ay the same na stock din na nagbigay kay Juan ng malaking loss….

Walang pinagbago sa layunin ng business behind ng stock. Walang pinagbago sa mga pinaplano nitong mga projects. Still, bumagsak ang stock price.

Walang good or bad stock.

Good or bad entry lang meron.

Learn to ride it if it’s a winner. Learn to cut your losses if it’s a loser.

Never miss the chance to read this new blog called CERBERUS: CERBERUS – Gandakoh’s Personal Trading Blog (gandakohtrading.com)

One Comment

Leave a Reply