Diskarte Ng Mga Talunan Na Traders!
Almost lahat ng traders ayaw matalo. There is something sa pagkakatalo na iniequate sa failure.
“Hahaha!Talo ka na naman?”
Anybody na nagkicriticize sa sino man na nagcut ng losses to save or preserve capital ay di fully naiintindihan ang stock trading.
I want to discuss that statement but lets reserve it for another topic.
Sa ngayon ay pag usapan natin ang isang dangerous na gawain or habit ng isang trader na natatalo which malamang nagawa mo na rin.
Lets say natalo ka last week. Natalo ka ulit kahapon. Natalo ka ulit today.
Open pa ang market. Ano ang logical thing na iisipin ng brain mo or gagawin mo?
Bibili ka ng stock na battered gaya ng X or ALLDY or MEDIC.
Right?
Akala mo ikaw lang gumagawa niyan noh?
Hahaha! Almost 90 percent ng mga natatalo yan ang fall back strategy.
And lahat sila akala sila lang may alam nun at genius sila for knowing that.
The more ka natatalo ay the more naghahanap brain mo ng win.
Nagreresort ka sa desperation kaya nagchamba trades ka na.
Lotto trade.
The same reason na almost wala kang nakikitang successful people na tumataya sa lotto.
Those quotes are not mine but I know it will hurt you if tumataya ka sa lotto.
Don’t blame me sa quotes kasi hindi sa akin yan at may real study talaga out there tungkol sa odds mo kapag tumaya ka sa lotto.
Balik sa topic.
When you lose and you feel like buying all those battered stocks on the hope na sasakyan mo sila sa bounce or pag akyat nila, please stop.
Turn off your laptop, pc or cellphone that you use to trade. Move away sa monitor.
You did not fail. You had losing trades. That’s all!
Lahat ng traders ay may mga losing trades. Di mo kailangan dagdagan talo mo sa chamba trades.
If trader ka at nagresort ka sa “ilolongterm ko na lang ito” ay niloloko mo lang sarili mo.
Few days after or a week after kapag walang galaw sa stock na ilolong term mo kamo ay ibebenta mo din yan at sasakay sa ibang stock.
Take that loss. Go take a walk. Manood ka series.
Rest your mind. May losses talaga sa trading.
Take those losses and call it a day.
Never compound bad trades with other bad trades.
If natalo ka ng ilang beses and you found yourself trying bumili ng mga downtrending stocks para sa hope na makabawe, sign na yan na kailangan mo muna mag off ng computer at magrelax.
Take a day or two na off then come back.
Di aalis ang stock market. Nanjan pa din yan bukas or sa makalawa.
Yung BP mo lang ang nababawasan.
Avoid revenge trading. Avoid hope trading. Avoid lotto trading.
Bakit Walang Mercury Drugstore Sa SM Malls?
The Time Has Come For People Around You Learn About The Stock Market!