Blog

Don Pepot And Kiko Adventures: Priced In.

Kakarating lang nina Don Pepot at Kiko sa Dubai galing ng Pilipinas.

Dito ay makikipagkita si Don Pepot sa isang Mayaman na Prinsipe at pag uusapan nila ang itatayo nilang mga 5-start hotels around the world.

Sinundo sina Don Peopot at Kiko ng gold na Ferrari papunta sa kanilang hotel.

Habang nasa hotel at kumakain ng ubas ay may itinanong si Kiko kay Don Pepot.

Kiko: Senyor alam po ba ninyo na ang mga news ay nakaka apekto sa price ng isang stock?

Don Pepot: Oo naman Kiko.

Kiko: Naguguluhan kasi ako.

Don Pepot: Bakit naman Kiko?

Kiko: Kasi sa isang banda sabi ang new ay may epek daw sa stock price at sa kabilang banda naman ay wala daw.

Don Pepot: Sino nagsabi sayo niyan?

Kiko: Sa GC namin kagabe nabasa ko po. May sinasabe sila na prayzen pero di ko naman alam kung ano yun.

Don Pepot: Prayzen? Prize in…ah priced in.

Don Pepot: Ganito yan Kiko papaliwanag ko sayo. For example may alaga ka na aso. Tawagin nating si Bantay.

Kiko: Pwede Esperanza na lang po.

Don Pepot: Haha. Si bantay na lang. Mahal na mahal mo si Bantay. Ngayong araw tinawagan ka ng kapatid mo na patay na si Bantay. Ano mararamdaman mo?

Kiko: Huuuuwaaaaat? Oh my god. Oh no….Oh….I kent beliv diz!Oh no….my dog Bentey!

Don Pepot: Halimbawa lang yun ang OA mo.

Kiko: Ay akala ko dapat naka in character. Siyempre mashock ako at iiyak. Malulungkot. Uuwe.

Don Pepot: Ngayon ibahin natin. Mahal mo si Bantay at ngayong araw na ito nakatanggap ka ng tawag mula sa vet na 2 years na lang itatagal ni Bantay. Ano mafefeel mo?

Kiko: Malulungkot but mas ok yun kasi unti unti ko matatanggap yun.

Don Pepot: Sa stock market din ganun.

Kiko: May mamamatay?

Don Pepot: Hindi. Sa stock market ganun din ang news. Kapag biglaan at out of nowhere naglabas ng balita na magkakaroon ng merger ang RLT at AYALA ay aangat ng grabe ang RLT. Biglaan kasi at wala halos nakakaalam.

Don Pepot: Kapag naman magkaroon ng balita na after 5 years ay magkakaroon ng joint project or merger ang RLT at Ayala. Pwedeng unti-unti itong umangat but not as sudden at not as explosive gaya ng isang example.

Don Pepot: Nalaman na ng mga tao na after 5 years ay may project or merger ang RLT at Ayala. Informed na sila. Kasama na sa decision making nila ang ganun na information. Yun ang tinatawag na priced in na ang news. Meaning kung ano man ang halaga ng mangyayare in 5 years ay na-price in na sa actions ng buyers at sellers ngayon. Although 5 years from now pa yun pero now nila nalaman kaya nagbilihan at umangat price ni RLT sa 1 peso. Yun na yun na priced in na ang news na iyon sa ganun despite na matagal pa bago mangyare ang plano. Kaya pagdating ng 5 years kahit pa maglabas sila ng news na “hey ito na ang joint project or merger” ay wala na gaanong explosive movement sa stock price kasi priced in na ito at reflected na ang news sa price.

Kiko: Aha! Ganun pala yun!Salamat po Senyor!*cough cough yare sila sa GC sakin cough cough*

Don Pepot: Uminom ka ng tubig at nauubo ka. Papahinga muna tayo at bukas ay pipirma ako ng 20 Billion Dollar Hotel Deals.

Introducing IDYOTT 2.0: ELEVATE. 

If nagustuhan niyo ang IDYOTT/ You will love this book more. 

Level up your trading skills with Elevate. 

LEARN NEW STRATEGIES!

9 Comments

  • Resy Pusing

    Naguluhan din ako sa prayzen haha! Akala ko gamot eh! Nakaka aliw basahin ang mga episode Nila Don pepot and Kiko, ganundin Kay donya Marimar at Esperanza. Sana talaga may mga ganitong employer sa totoong Buhay na inii educate Ang mga helpers Nila hehe!
    Anyway thank you ma’am Lioness for this informative and entertaining blogs!

  • Ella Moratin

    Wrong timing nung binasa ko to, nasa office ako. napatawa ako pero kunyari naubo lang para d halata haha.
    kidding aside thank you po sa pag eexplain. naliwanagan ako ng sobra 🙂

  • REYBO

    Balang araw magiging katulad ko din si don pepot. Pipirma ng 20 billion dollar hotel deals. Pero sa ngayon KYLOS lang muna. Hahaha

Leave a Reply