Donya Marimar
Kakauwe lang nina Kiko at Don Pepot galing sa isang business deal sa Spain. Matapos eh park ni Kiko ang Lambo sa garahe ay dali dali itong pumunta ng kusina at nag open ng trading account niya.
Nasa sala si Don Pepot at si Donya Marimar na asawa ni Don Pepot nang may marinig sila….
“Anak ng…….raaaaaah!”
Pinuntahan nila si Kiko at nadatnan nila ito na pailing-iling.
“Di ko alam ano nangyare. Buy yung gusto ko gawin pero na sell ko.”
Natawa si Donya Marimar sabay sabi,
“Fat finger!”
Kiko: Ha?Ano po yun madam?
Donya Marimar: Ang tawag sa ginawa mo eh fat finger.
Kiko: Yun ba yung dahil di ko sinasadya eh tatawagan ko ang broker ko at ibabalik nila pera ko?
Donya Marimar: Hahaha. Hindi yun at walang ganun.
Don Pepot: My love ipaliwanag mo nga sa kanya ano ang fat finger.
Donya Marimar: Sige my love. Kiko ganito. Ang fat finger ay tawag sa clumsy or mali mali na pagtype. Ke sa cellphone man or typewriter or computer.
Kiko: Type rayter? Whats is datz?I kenot relate bicoz Im so young at hart!
Donya Marimar: Tumigil ka kiko at nasa akin birth certificate mo nung nag apply ka dito. 10 years tinanda mo sakin.
Kiko: Ay, oo nga pala. Sorry po.
Donya Marimar: Yung nangyare sayo ay fat finger. Di lang sa mga katulad mo na retail trader nangyayare yan. Mismong sa mga brokers at insti ay nangyayare din yan.
Kiko: Whuuuuuuuut?
Donya Marimar: Yung latest example ay Cebu Pacific. Last July 9, 2019. Bago magclose yung market noon yung shares ng Cebu Pacific ay bumagsak more than 37% from 92.65 pesos per share to 58 pesos. May broker na instead buy ang eh press ay napress niya yung sell.
Kiko: huuuwhaaaaaaat?
Donya Marimar: Oo. The next trading days ay bumalik din naman sa normal ang price ng Ceb dahil may mga nagbuy up.
Kiko: Wow! Fat Finger. Naku salamat. May natutunan na naman ako na bago. Humanda sila sa GC. Genius na naman datingan ko doon.
Kiko: Maraming salamat Donya Marimar. Marunong ka rin pala sa stock market madam?
Donya Marimar: Aba syempre! Sino ba sa tingin mo nagturo kay Don Pepot magstock market?
Kiko: Huwaaaaaaat?
Abangan….
28 Comments
Bea
“Di ko alam ano nangyare. Buy yung gusto ko gawin pero na sell ko.”
luh true story… mine naman was dapat sell na ako kasi GAIN na 100%, napindot lo BUY at higher price, ayun bumaba yun % gain 🙁 anshaket.
Kix
Naalala ko nga yan about sa CEB incident na trade na yan. eto pala yung “Fat Finger” na tinatawag. there are times nga na minsan may gusto ka gawin pero di mo nagawa ng tama na naayon sa kagustuhan mo parang yung kasabihan na iba yung sinasabi ng puso sa gingawa ng utak mo. . Thank you for this maam. GOD BLESS po.
Karina trades
-37% pa lang naman sya boss di pa ganon ka low
karina
Parang yung nangyari s movie na the rouge trader, ung isang kasama nya n babae namali imbes buy na sell or baliktad ata.. Un pla ang fat finger. Nakita ko din tong CEB, un pla ngyari…
Erwin Leal Manuel
thank you mam lioness
De Carr
Wow! A new character to watch out for! Thanks GK!
Rochelle
Natatawa ako habang binabasa ko ang story dahil nangyari din sa akin ito, ang tawag pala sa akin noon thart time is fat finger.. haha Dahil more on stock investment ako medyo madalang ako magsell ng stocks pero one time nakita ko ok yung gain ko kahit down ang market inisip ko take profit na so binenta ko na.. pagcheck ko bakit nadagdagan ang share ko.. iyon pala nasa buy tab ako nagorder.. kaya dali dali ko pumunta sa sell then benta na.. lumiit tuloy ng kaunti ang gain pero gain pa din kaya simula nun hindi ko na malilimutan lagi icheck kung saan tab ako
Christina
Thank you so much ma’am. Parang ganito yung nangyari don sa movie na Rogue Trader ah =)
Yayan
Pre pandemic po 50% ang static loss
Junryle Taguic
Oi magaling din pala si madame sa trading. Hehehe.
Diba protected sa lower static threshold o flooring ang isang stocks maam? Bakit somubra sa flooring price ang binaba ni ceb sa time na yan kong nagka wash sales man maam?
Leyzel
Thanks mam, sarap talagang magbasa ng mga blogs nyo daming natututunan. Thanks for sharing and being a blessing to us.
James
Thank you po ma’am sa series na ito. Nakakaexcite naman ung susunod na mangyayari
Jhukee Ban Marz
hahaha, ito ung peborit ko, fat finger pala yun apir kiko! thank you po.
MILDRED H. CANAYA
hahahah… na’miss ko ang dalawang to,,, kiko at Don Pepot… at ngayon meron na silang kasama, c Donya Marimar… mas marami pa kaming matutunan sa kanila.. new learning “Fat Finger” .. salamat po maam Lioness…
Ed
Wow another drama series…Thank you madam..
carleen
wow may bagong aabangan na series ang TDS . .. salamat mam how you are presenting all this lesson to us. fat finger pala yon, nangyari na sa akin yan instead na sell, buy naman … meron pang naorder ko na pala akala ko hindi natuloy kaya nag order ulit.
William
Salamat po…
Silver Fernandez
Maraming salamat ma’am!
May bagong natutunan, matabang daliri or fat finger..
Aabangan ang susunod na kabanata…
Erwin Leal Manuel
hahaha,fat finger pala ang tawag sa clumsy na pamali mali ng pindot.salamat mam lioness.si donya marimar pala nagturo kay don pepot ng stock market.
Mark Nathaniel
Yun pala yun hahaha. Nagyari sakin yan sa sobrang gusto nang umexit di makaexit dahil mali mali type password dahil nataranta. Haha. Thank you po
Crispin Enriquez Ritual
Fat finger palanyun .hehehehhehe.so far ndi pa naman sya nangyari sakin…baka soon…ahahhahahhaha
Sonny
Thank you po mam
Robert Almario
Nangyari na sakin yan dati. Not once but twice! Hahaha.
masyadong volatile yung stock kaya nagmamadali ako.
Kaso instead na sell e buy nagawa ko.
Imuung isa naman e instead na buy, sell nagawa ko. Hahaha
Cristyl Baronda
Whoaaaaa Another learning. “Fat finger”. Thank you Mam
Rosell
Another lesson, yiee. Thank you Mam ♡
Dickson
Good morning Ma’am Lioness.
Jayson
Good morning Maam Lioness,
Yun pala tawag dun Maam, now i know (parang c Kiko lang hehe), nangyari din yan dun sa million dollar trader. Thank you po Maam!
Jonathan
Ahaha eto yata ung nakita ko kanina na post na ang sabi ei umabot na kay satanas ung candle