Blog,  Guides

GUT: Clarence

started investing/trading in the stock market with zero knowledge as in empty, wala akong set up na sinusunod. Hindi ko alam ang cut-loss. At lalong hindi ko alam paano mag screen ng bibilhing istak. Laging na FO-FOMO. Wala akong idea kung sa taas/resistant ko nabili ang isang istak. I’m buying stocks base sa nakikita ko sa social media and recommendations ng iba. Halos lahat ng trading group sa facebook ay kasali ako noon, pina follow ko mga “gurus” na mahilig magpaseminar.

Nag subscribe din ako sa isang group na nag rereco kung anung dapat bilhin. Higit sa lahat walang disiplina at hindi macontrol ang emosyon sa pagtratrade.
 
I learned things a hard way that lead me to 50% loss sa aking trading port.
 
Then napadpad ako sa Traders Den (Traders Lounge dati), nakita ko ang malaking kaibahan sa lahat ng mga nasalihan kong grupo. May respeto sa bawat isa, nagtutulungan, willing i share mga ideas na nakakatulong lalo na sa baguhan sa mundo ng istak market.
 
“No hype, no reco, just pure learning”
 
It’s an honor and blessing na napasali ako dito sa TD at maging member ng GUT, nagbago ang pananaw ko sa pagtratrade, tumiwalag at nag unfollow sa mga hindi nakakatulong sa paglago sa trading career. Nagkaroon at natuto ng sistema to protect my capital at the same time mapalago ito. Higit sa lahat nagkaroon ng disiplina at kayang i-control ang emosyon pagdating sa trading. At lahat ng eto dahil kay ma’am GK. Alam ko marami pa akong dapat matutunan to become a successful trader sa tulong ni Maam. Napakalaking privilege na napabilang ako sa gropung ito, ngayon hindi na ako nangangapa. Nakakatulong din ang mga sharing of ideas and discussions ng mga ka groupmates upang mas lalong mapalawak ang kaalaman at matuto sa trading experience ng bawat isa.
 
It’s still a long way to go, but one thing is certain, SUCCESS is coming!!!
 
 
 

If you want to learn the things that our mentor taught us inside GUT. They are all written in her PAMANA Trading Books. 

Get your copies now. You may visit TD PH Books for more inquiries or reserve and get a copy by registering at this link: https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6

Images below are sneak peeks of the PAMANA Trading Books.

Leave a Reply