Blog,  Guides

GUT: Jen Magsakay

Way back 2012 I remember one of my colleague said she want to invest in stock market sabi ko sa kanya sige tara but hindi ko siya ganun kagusto that time hindi namin alam pareho kung pano at takot kami mascamm hindi kami natuloy, years later I started na magka interest sa pag iinvest and iniisip ko na ung future ko dahil hindi ako pabata  so I opened mutual fund, insurance and MP2 but still takot ma scamm sa stock market until i met a friend sinabi niya kung ano ung broker niya and and sumali dw ako sa TRADERS LOUNGE para sakin this is it na  eto na ang start. Dahil sa excited ako kinabukasan pag out ko work pumunta pa ko sa PSE sa pasig ayaw ko ng online hahaha sa pag mamadali nadapa pa ko (sign ata na yata na masakit yung papasukin ko) buti umabot ako bago mag close.

Kala ko dati ang stock market basta mag oopen kalang bibili ka lang then ok na as in zero knowledge ako para kong sumabak sa gera ng walang bala  naghanap lang ako stocks maingay kala ko magada un then binili ko plan ko kasi tlga nung una is maging investor but after seeing my money lossing hindi ko pala kaya, lagi akong na hhype at lagi akong nakakabili sa tuktok .

Until one time as far as I remember mag 12 am nung nakita ko post ni mam Gandakoh na gagawa siya ng program GIVE UP TOMORROW (GUT) para sa mga newbie na may 50% pataas na loss, with no hesitation nag send ako ng SS ng port ko then na interview ako tas send ng ledger.

Luckily napili ako na maging part ng GUT  syempre sobrang saya ko  then binigyan kami assignment ni mam basahin dw nmin ung MAMA and ano pag kakaintindi nmin at back test. Itry my best kung saan makikita yung mga indicators sa youtube, blogs, FB etc. hindi ko tlga makita kung saan yun makikita umiiyak na ko kasi d ko tlga makita and ayaw ko ma disappoint si mam sakin nahihiya namn ako nagtanong sa mga kasama ko sa GUT at d ko nmn sila kilala then na nakipag meet up ako kay mam yuzu (love you sissy) and one of GUT member para mas maexplain sakin yung mga bagay bagay kasi as in zero knowledge nga ako.

Then nag virtual trade tipong mag CR break ka lng para lang makapag trade tas kukunchabahin mo kasamahan m na EOD mag bbreak ka para makabili ng stocks big help tlga kahit na bear market pa nun nasasanay kami n panget ang market kaya lagi kaming pinapanuod ni mam ng inspirational movies pinapagawa essay and thousands of charting  2hrs lang tulog namin ma meet lang yung deadline  pero ung discipline/psych emotions nmin yun tlgang big thank ko kay mam kasi grabe disiplina niya samin wag makikinig sa hype at top gainer at losser ect. kasi iyon tlga ang pinaka mahirap idevelope sa trader ung discipline at emotions useless yung mga strategy kung wala kang disiplina kung hindi mo susundin at paiiralin m ung greed mo tyka yung pag shopee ng stocks naiwasan nmin.
 
Hanggang sa nag live trade na kami even may pagkakaiba dahil real money na pero naiwasan na yung mga maling ginawa before like pag walang hawak kung ano anong stocks tinitignan which is mali kasi may tendency n mapabili ka kahit hindi m napag aralan yung stocks and nakikinig sa iba, ngayon ako n nag hahanap ng stocks na bibilin ko  kahit minsan hindi nag mamaterialize yung stock which is normal atlease alam ko na mag cut, nakakakita na rin ako ng green sa port ko  ang super happy na nakakapag share na din ako sa mga newbie ngaun.
 
Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko kay mam GK sa tulong niya sakin, samin.. sating mga newbie na kaht na magkaiba kmi ng time zone that time tlga nakatutok siya samin super hands on tlga siya kahit may sakit siya na hindi alam ng lahat pero tinuturuan pa din nia tayo esp. kami at kahit PISO wala siyang hiningi saming kapalit, family tlga turing samin/satin ni mam super genuine ng heart ni mam kaya super love ko tlga siya sobrang dami ko natutunan sa kanya at cgro hindi na ko nag ttrade kung hindi dahil sa kniya…. she saved me and forever akong thankfull dun kaya full support ako sa kanya all tha way…
 
 
 

If you want to learn the things that our mentor taught us inside GUT. They are all written in her PAMANA Trading Books. 

Get your copies now. You may visit TD PH Books for more inquiries or reserve and get a copy by registering at this link: https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6

Images below are sneak peeks of the PAMANA Trading Books.

Leave a Reply