Blog,  Guides

GUT: Marissa

Paano ba ako napunta sa stock market? Nababasa ko lang maganda daw kitaan dito, buy ang sell lang. Madali lang pala, wow gusto ko din try. At first kumita nman, feeling lucky. Walang knowledge at all, not knowing kung ano Funda at Technicals.

Lahat ng group nagjo-join ako, more groups mas madami ako mapupulot na reco. Me GC’s pa, as eager talaga ako to learn. Kasi zero-knowledge nga. Just don’t know where and how to start. Dami kong pinafollow na mga mentors, gurus. I wonder paano sila kumikita, bakit ako loss. E sabi nila bili daw ng ganito ganyan, bodega daw.

Share ko sa inyo paano umpisa ng kalbaryo ko. Me nabili ako si NOW baba ng ave ko nasa 2. And tumaas taas pa, spam of days lang yun, laki na ng gain ko +100%, di pa rin ako ngsell, sabi 3rd Telco e, soon aabot din yan sa price ng TEL. Ang dami ko nga plans pag umabot sa price na yun. Compute compute na ako wheew. Dumating yun time medyo bumaba na price, pero sitting pretty pa rin. Sabi nila balik din yan sa taas, ayun natuNOW.

Eto na nasink in na umabot na sa -50% na loss, no way out na. Iniyakan ko yun, kasi yun pera na yun savings pa ng family, para sa mga kids sana.

Lesson learned lahat ng nangyari, with God blessings me makikita pa rin mabubuting tao sa trading community, and here nasa TL na ako, salamat dun po sa nagpost about TL. Di na ako nahype, di na ako nafomo at nashopping ng recos

Salamat po Maam napasama ako sa GUT, before di ko alam gamitin ang chart, sakit sa ulo mga linya linya na yan, buhol buhol pa.

But with Maam GK, grabe yun dedication nya sa pag mentor nya sa amin, di sya nagtrade for awhile para sa amin. Kahit me sakit yan, di yan ngstop. Every day me assignments hundredths of charts and backtesting. Some of GUT members, nag give up na. Me time pa yun assignments nakakatulugan ko na,but need tapusin kasi deadline na. Kwentuhan n lng namin ng mga Gut, sumakit na mga kamay namin dipa natatapos., iba iba din schedules nmin, added me mga kids pa ako, prepare for school. For awhile medyo nawala ako, di na kinaya, and natatakot ako ke Maam pag wala pa ko assignment.Pero yun simpleng simpleng “kumusta kana” from Maam Gk. Laki ng impact sa akin nun, sino ba nman ako. Nahiya ako bigla sa sarili ko. Bakit ako maggi give up. Sa mga newbies dito, sa mga nagstruggle sa losses wag lang tayo maggive up. At sa vets na din, keep sharing din ng knowledge nyo. Sa mga classmates ko, salamat din sa help nyo, me time pati pag-upload ng ass ko, di alam pano upload, Jurassic ang peg.

Maam thank you so much po di ka ng give up sa amin. Me times nagfailed kami, but we will keep trying and learning. Me time na your sad and mad, we also cry with you. We’re always here to cheer you up. Thank you for considering us your family. ILOVEYOU MAAM.😍😍😍

If you want to learn the things that our mentor taught us inside GUT. They are all written in her PAMANA Trading Books. 

Get your copies now. You may visit TD PH Books for more inquiries or reserve and get a copy by registering at this link: https://forms.gle/XGtkJLVNTQwKzy3d6

Images below are sneak peeks of the PAMANA Trading Books.

2 Comments

  • Leah Catherine

    Thank you so much mam GK for being our mentor. I am so blessed at nakilala ko po kayo and very grateful na naging student nyo po. Ikaw yung something na hinahanap ko for a long time na kulang sa trading journey ko at ngayon nacompleto napo. I am confident before I buy a stock kasi my trading strat na na sinusunod. Before hindi ko alam yung entry, exit and risk na yan. Basta kita ko tumataas bili then hope na agad hehehe walang exit signal. God Bless you more mam GK.

  • M

    awwwe! Naalala ko last 2020 ko lang nakilala si Ms. GK.. Tapos sa tuwing nag lalive sya, nagpapashout out ako. ayeeeih Kinilig ako ng tinawag nya name ko ahhahah. Pero that’s becuase kasi i look up to Ms. GK. Sobrang thankful sa mga tinuro niya. Yung to the point na parang celebrity na siya sakin, someone na hindi ko mamemeet personally. Pero kahit na ganon, maraming salamat padin maam, sa lahat na di ko masabi bat ako nagpapasalamat. Napaka grateful ng heart ko na there’s someone online na makakatulong samin. THANK YOU SO MUCH… (napakadaming hearts)

Leave a Reply