Blog

Paano Naman Ang May Above 12 Pesos Average Kay DITO?

Nasa 2 pesos plus si DITO ngayon. 2 years ago ay umabot ang price nito above 18 pesos.

Since siya ang official 3rd telco ay marami ang nag invest sa kanya. If ang average mo ay above 12 pesos two years ago ay malamang may 70-80 percent loss ka ngayon kapag hawak mo pa ito.

Para magbreak even ka ay kailangan mo ng more than 400 percent gain mula sa price nito ngayon.

That is a really tall ask.

I cannot even imagine the feeling of waking up everyday looking at your port with a huge loss.

2 years is already a long time.

Hindi natin alam ang takbo ng market pero that 400 percent plus gain to breakeven might take a long time pa if pagbabasehan ang takbo ng market ngayon.

WHAT SHOULD YOU DO?

I think may tatlong option na pwede mong gawin.

The easiest one is to hold. Wala kang ibang gagawin but ilibing sa limot ang shares mo and hope na one day pag open mo ay green na ito.

For the believers of DITO yung tipong 100 percent naniniwala na anuman ang mangyare ay aangat si DITO (magkagyera man, recession, etc,) ay average down ang option for you. Bababa ang average mo at dadami ang shares. DOuble edge blade nga lang itong option na ito kasi kikita ka more kapag nagrecover ang price ni DITO pero malulugi ka naman more kapag bumagsak pa if ikukumpara sa naghold lang na hindi nag average down.

The brave ones should cut. Pikit matang cut.

I think ang third option ay dedicated sa mga traders yung tipong trading ang habol or matuto ng trading ang habol at hindi mag-invest at magtiis sa losses.

Tatlong option na may kanya-kanyang strength at weakness depende kung saan pupunta ang price ni DITO sa future.

NO EASY DECISION

Alin man sa tatlo ang mapili mo ay walang easy na decision sa kanila.

For those na nais marecover ang losses at naghahanap ng guide ay may bagong book ako na I’m sure makakatulong sa inyo.

Maduming Merkado 2.0 gives you specific guides and steps paano marecover ang losses mo sa trading.

It also contains ideas, tips, secrets and tactics pagdating sa trading.

If nagpaplan ka magstart over or at least naghahanap ka ng paraan na marecover ang talo mo or mas magkaidea ka about losses and paano sila madeal properly ay para sayo ang book na ito.

This is a cheaply priced book compared sa value na makukuha mo sa nilalaman nito.

You can avail it here: bit.ly/427wMmk

Maraming approach ang pwede mong gawin sa huge losses mo. You need to find the right one para sayo and you need to be okay with whatever man na option ang napili mo.