Pagkabili, Hype. Pagkabenta, Bash. (Why Do Traders Do These?)
I bought ABA and sold it for our TDS model port.
If di ka pa familiar sa TDS MODEL port ay port ito na tinitrade ko along with TDS.
I teach TDS paano magtrade and I do it hindi lang sa theory but mismong sa live trading din kaya may model port kami. Iwas fake na pagturo at para na din may masundan sila na real experience.
If interested ka sa journey ng model port mula last year ay may free e-book ako about it called I DARE YOU TO TRADE 5. Click here: Home – Traders Den PH and register
Isang taon na trading yan at hindi selected walkthroughs lang. May Statement of accounts din sa dulo a.k.a ledger.
Balik tayo sa point ng blog na ito. Let me use ABA as an example.
I bought ABA and I sold it.
Right now ay umaakyat pa si ABA.
Naging common na ugali na ng karamihan sa traders na kapag nakabili ay hinahype at kapag nakabenta ay binabash.
Why is that?
May paliwanag bakit nangyayare ito.
Una sa lahat, hindi naiintindihan ng trader na naghahype at nagbabash ang trading.
Trading is a game of probability. Walang effect sa market ang anuman na gawin ng isang retail trader. You can bash, hype, cry or even magalit ka ay si market pa rin ang masusunod.
Si market ay combination ng iba’t ibang buyers at sellers na may iba’t ibang reason para sa pagbili at pagbenta.
The ignorance of how trading works make them do these type of stuff.
Isipin mo na lang na binabaril nila ng water gun ang araw.
Walang effect sa araw ang ginagawa nila but it gives them a warmth feeling na they are doing something.
Traders buy a stock and hype it.
Isang reason ay para manotice ng iba pang katulad din nila na traders especially mga newbies.
Next reason ay para ipakita sa iba at makakuha ng validation na tama ang ginawa nila.
Kaya ka nakakakita ng “Naspot namin ang (insert stock code)” or “this was our gameplan.”
Letting others know you were right feeds your ego.
Traders bash a stock after they sold it.
Traders do not bash a stock mainly dahil gusto niya makabili.
Nangyayare yan but kadalasan ay isa sa dalawang reason lang bakit binabash ng traders ang isang stock.
Una ay dahil hindi nila like ang naghahype ng stock na yun nung umaangat siya. Bashing it is more or less bashing that person na din at ipamukha sa kanya na mali siya. Nagfifeed din ito ng ego kasi it shows na mali siya sa hype niya at tama ka kaya mo binabash lalo.
Next ay emotional response after selling.
Kapag nakaexit na ang trader at umakyat pa ang stock ay masakit yun sa kanya. Yung nakakaregret na scenario. To cope up emotionally ay binabash niya ang stock para baka bumagsak at maprove na tama nga siya sa pag exit niya.
TDS do not belong sa any category na sinabe ko kasi wala sila sa alin man na crowd. Wala yan sila sa mga public forums, social media platform ng crowd at even mga facebook groups na uso ang hype at bash.
You see me buy and sell ABA but I did not actually buy that stock. Di ko alam ano ang business ni ABA. Di ko alam ano projects niya. Di ko alam sino may ari. Di ko alam sino mga insti na bumibili sa kanya. Di ko nga alam ano ang name ng ABA.
I bought it dahil sa strategy. Pwede mo yan icheck if familiar ka sa CALMA.
Wala ako nahype na trader. Di din ako nahype. Wala akong alam sa news. Di ko alam ang business ni ABA.
Pero….
I earned more than 50 percent out of ABA.
Think about that.
No news. No hype. No research. Walang ibang opinion.
Still got more than 50 percent gain out of it.
Did I exit early?
Maybe yes.
Does it matter?
Nope.
If hindi ka pa nakakaranas na mag exit at umangat pa yung stock ay kulang pa experience mo sa trading.
ABA can go another 50 percent or even 100 percent pa na akyat and I’m fine with it. I already got my gains. I can always find another stock to trade.
Hindi ka pwedeng manghinayang sa bagay na parati nangyayare.
Normal na yan na minsan kapag nag exit ka eh umaangat pa more. Meron din na kapag nag exit ka eh bumabagsak. I dont feel smart sa ganun kasi normal na nangyayare yun.
Si market nagdedecide saan pupunta ang price.
Sa isang blog lang na ito ay marami ka nalearn. Do not get me wrong, I am not trying to invite you to join TDS. I wont even include the link on how to join TDS sa blog na ito.
If want mo yun hanapin mo na lang kung paano sumali kasi kapag want mo ang isang bagay eh maghahanap ka talaga ng paraan.
I will invite you sa September 30.
Ano meron sa September 30?
THE BERZERK SYSTEM course will be on September 30.
Before you say anything ay heto muna mga resibo trades mula sa umattend ng previous courses.
Heto ang result sa trades ng mga umattend noon.
Heto ang mga experience ng previous course attendees ng MASTERCLASS SCALPING and DAY TRADING.
Heto ang comment nila after ng course.
Ang matututunan mo sa course na ito ay maaapply mo agad even after ng course. Pwede mo agad isabak sa trade. You can use it sa stocks, crypto at forex.
Wag na wag na wag mong papalampasin ito.
You owe it sa self mo to even try na umattend at iprove if it works.