WL 8
WL 8: GANN FAN
Maraming mga hindi na newbies ang nag aask na sana nagvavary naman ang weekly lesson. Kung may para sa newbies dapat daw ay may para din sa kanila yung tipong magagamit nila sa trading.
You asked for it. Let me deliver one for you.
GANN FAN
Gann Fan is a TA tool based on the idea that the market is geometric and cyclical in nature.
I usually try to explain and breakdown TA tools especially bakit sya ganyan at bakit ganun. Bakit ganyan ang angles niya at ano ba talaga sinusukat niya.
This time bibilisan natin ng konti at dederecho tayo sa gammit na mismo.
Ganito siya gamitin.
Una, hanap kayo ng stock.
Sample ang nahanap mo ay BDO. Check mo kung nasaan na trend ito.
Ayun sa nakaraang weekly lesson natin ay may tatlong uri ng trend.
Uptrend, sideways at downtrend.
Ang hahanapin mo lang ay either uptrend or downtrend.
Sa case ni BDO ay uptrend siya. Bakit uptrend? Paakyat ang prices eh.
Lahat ng uptrend ay may simula. Yung simula nila na yun ay yung low ng trend. Hanapin mo yun.
Hanapin mo ang TREND ANGLE sa tools.
Bakit? Kasi para makagawa ka ng tamang Gann Fan ay kailangan sumukat ka ng 45 degree mula sa simula ng isang trend. Ang trend angle ang tigasukat.
Bakit? Kasi para makagawa ka ng tamang Gann Fan ay kailangan sumukat ka ng 45 degree mula sa simula ng isang trend. Ang trend angle ang tigasukat.
Next, hanapin mo sa tools ang Gann Fan.
Plot mo. Isa lang ang tatandaan mo para tama ang gawa mo. Itapat mo ang 1/1 sa 45 degree angle.
Pwede mo palitan ang kulay ng Gann Fan sa options. Palitan natin ng gray.
Marunong ka na ngayon magplot ng Gann Fan sa uptrend. Ano naman purpose nun?
Ang purpose ng Gann Fan ay ipakita sayo ang mga significant support and resistance levels. Makikita mo kung saan na yung current price.
Makikita mo rin na kapag nabreak ang significant support ay nagbreakdown ito.
Think of it as parang pinapakita sayo ang takbo ng prices. Tool mo to know kung kumakapit ba sa support ang price ay mambabasag ba ng resistance or mambabasag ba ng support.
Ulitin natin pero downtrend naman. Hanap ka ng downtrend na stock.
Hanapin mo simula ng downtrend. Yung high ng trend.
Draw a 45 degree angle.
Plot Gann Fan.
Kita mo mga significant levels.
Pagsabayin naman natin ang uptrend at downtrend.
Same procedure. Hanapin ang start ng trends at plot ng angle.
Plot ng Gann Fan.
THOUGHTS
Maraming nagtatry gumamit ng Gann Fan alone to trade. I do not recommend that. Why?
Ok, akin lang ito ha. Iba naman understanding ng bawat traders.
I do not recommend na gamitin mo ang Gann Fan alone para magdecide to buy and sell gaya ng Fibonacci na pag naghold ang support ay bibili kayo dahil magbounce.
Mahalaga kasi sa akin ang risk. Ang layo ng angles ng Gann Fan sa isa’t isa. Minsan nasa 20 percent risk at minsan sobra pa.
I do suggest na pag gagamitin ninyo ang Gann Fan ay either as something na nagpapakita sa inyo kung nasaan na ang price ngayon or as something na nagpapakita ng major support and resistance levels.
May iba pa bang gamit ang Gann Fan? Meron.
Ito medyu juicy ito.
Paano pagsamahin ang Gann Fan at Fibonacci Retracements.
5 Comments
MMTrader
Thats amazing….another milestone of learning more
RENATO ALCAZAR TORRES
Kitams daming learnings… Saan pa tayo “keep your membership!!!!!”
Salamat po
melchor dela cruz
salamat po ngayon ko lang nalaman eto 🙂
Ednalin
Salamat mam sa bagong kaalaman.
Em
Thank you po dito. Nakikita ko lang yan sa charting tool pero di ko maintindihan. Actually andami nilang di ko maintindihan..kahit may google eh iba pa rin yung may nageexplain in laymans term kasi nagiging “ah” moment yung pagamit ng isang indicator/tools.